• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alab sa ABL: 10th season ng liga, isuspinde na

HINILING ni Alab Pilipinas team owner Charlie Dy sa pamunuan ng ASEAN Basketball League na suspindihin ang ongoing 10th season ng liga kasunod mg naging deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na isa ng pandemic ang novel coronavirus (COVID-19).

 

Bukod sa Alab, humiling na rin ang mga koponan ng Hong Kong Eastern, Macau Black Bears at Formosa Dreamers na umaksiyon na ang liga hinggil sa lumalaganap na krisis.

 

“Since the ABL is a regional league and travel will be difficult and risky, we deem it appropriate to request the ABL to follow the NBA and other sporting leagues in suspending our season,” pahayag ni Dy.

 

Sa kasalukuyang standings ay pumapangalawa ang Alab, taglay ang 10-6 na marka kung saan huli silang naglaro noong Pebrero 23.

 

Nasa ika-6 na puwesto naman ang Macau na may patas na markang 7-7 at huli silang naglaro noong Enero 29.
Pumapang-apat naman ang Formosa na may 8-6 na kartada at huli silang naglaro noong Pebrero 2 habang pang-siyam naman ang Hong Kong(3-7) na huli ring naglaro noong Pebrero 2.

 

Ang mga sumunod nilang mga laro ay na postponed na dahil sa COVID-19.

 

Kamakailan lamang ay ipina-quarantine si Singapore import Jameel McKay matapos mapag-alaman na sumakay ito ng eroplano na may lulang pasahero na nagpositibo sa virus.

 

Umaasa si Dy na pakikinggan sila ng ABL sa kanilang hiling para sa kapakanan na rin ng mga players at ng mga fans.
“Alab Pilipinas believes that our fans and supporters will understand this move as it is for the best interest of everyone to take precaution,” ayon pa kay Dy. “Many experts have shared that social distancing is the best way to mitigate the spread of COVID-19 and we wish to take part of this solution.”

Other News
  • 1 patay, 2 arestado sa pakikipagbarilan sa pulis sa Malabon

    DEDBOL ang isang umano’y holdaper matapos makipagbarilan sa rumespondeng mga pulis habang arestado naman ang dalawang kasama nito sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.     Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan si Jason Danco, 33 ng Sitio 6, Dumpsite, Brgy. Catmon habang kinilala naman ang mga naaresto […]

  • Gobyerno, kailangan na magpalabas ng guidelines para sa COVID-19 home test kits sa lalong madaling panahon

    NANAWAGAN si Vice President Leni Robredo sa gobyerno na bilisan ang pagpapalabas ng guidelines para sa paggamit ng home antigen test kits.     “Sa ibang bansa, ina-allow na nila ‘yung home testing. Kapag masyado natin inistriktuhan ‘yung testing, nagko-congest [ang laboratories],” ayon kay Robredo.     Sinabi pa ng Bise-Presidente na may mga ulat […]

  • DOT pinutol ang kontrata sa ad firm na gumamit ng ‘stock footage’

    KINANSELA na ng Department of Tourism (DOT) ang kontrata nito sa advertising company na DDB Philippines na nasa likod ng inilabas na campaign video sa turismo ng bansa na “Love The Philippines.”     Nag-ugat ito sa pag-amin mismo ng ahensya na gumamit ng “stock footage” sa audiovisual presentation nito sa bagong promotional video na […]