Alamin: Sinu-sinong immunocompromise ang prayoridad sa 3rd dose ng COVID vaccine?
- Published on November 23, 2021
- by @peoplesbalita
Inilabas ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga immunocompromised conditions na bibigyan ng prayoridad sa pagkuha ng pangatlong doses ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang listahan ng mga immunocompromised conditions ay pinagtibay mula sa rekomendasyon ng World Health Organization’s Strategic Group of Experts on Immunization (WHO’s SAGE).
Dagdag pa nito na very specific sila na naglalagay ng mga guidelines dahil ito ay adopted sa recommendations ng WHO SAGE at nakapaloob din sa EUA (emergency use authorization).
Sinabi ni Vergeire na ang mga uunahin sa pagbibigay ng ikatlong doses ay ang mga sumusunod:
– ang mga nakakatanggap ng aktibong paggamot sa kanser para sa mga tumor o kanser sa dugo
– nakatanggap ng organ transplant at kumuha ng immunosuppressive therapy
– nakatanggap ng stem cell transplant sa loob ng huling dalawang taon o kumukuha ng immunosuppressive therapy
– may katamtaman o malubhang pangunahing estado ng immunodeficiency
– may advanced o hindi nagamot na impeksyon sa HIV
– pagtanggap ng mga aktibong paggamot na may corticosteroids o iba pang mga gamot na maaaring sugpuin ang immune response
– mga pasyente ng dialysis
– mga taong nabubuhay na may sakit na autoimmune at paggamot na may mga partikular na immunosuppressive na gamot
– diagnosed na may mga kondisyon na itinuturing na may katumbas na antas ng immunocompromised ayon sa payo ng kanilang manggagamot
– mga taong may bihirang sakit
-
PDu30 wala pang 2nd dose ng bakuna laban sa Covid -19
PINASINUNGALINGAN ng Malakanyang ang naunang pahayag ni Presidential Security Group (PSG) Commander Jesus Durante III na ” fully vaccinated” na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “mistakenly informed” di umano si Durante ng kanyang medical staff na nabigyan na nga ng second dose si Pangulong Duterte. “This is […]
-
P200 monthly ‘ayuda’ para sa mahihirap na pamilya, aprubado na
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng P200 monthly allowance o “ayuda” para sa mga mahihirap na pamilyang filipino para sa buong taon para pagaanin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekumendasyon […]
-
CLIPPERS OPISYAL NANG KINUMPIRMA ANG PAGKUHA KAY LUE BILANG HEAD COACH
OPISYAL na ring inanunsiyo ng Los Angeles Clippers ang pagkuha nila kay Tyronn Lue bilang bagong head coach ng koponan. Una nang lumutang ang naturang isyu noon pang nakaraang linggo. Pero ang team ay nagtakda ng schedule sa Huwebes para ihara. Pero ang team ay nagtakda ng schedule sa Huwebes para iharap […]