Alapag hangad na mapasama sa coaching staff ng Kings sa NBA
- Published on August 20, 2021
- by @peoplesbalita
Umaasa si dating PBA point guard Jimmy Alapag na mapapasama siya sa coaching staff ni Sacramento Kings’ head coach Luke Walton para sa darating na NBA season.
Ito ay matapos pagharian ng Kings ang 2021 NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada kung saan nakasama si Alapag bilang isa sa mga assistant ni mentor coach Bobby Jackson.
Bukod sa 43-anyos na Fil-American, nasa coaching staff din ni Jackson sa Summer League sina dating NBA player Doug Christie, ex-WNBA guard Lindsey Harding, Will Scott, Jonah Herscu, Akachi Okugo at Isaac Yacob.
Kumamada si Louis King ng 21 points para banderahan ang Kings sa 100-67 paggupo sa Boston Celtics sa championship game para kumpletuhin ang kanilang five-game sweep sa torneo at angkinin ang korona ng Summer League.
Ito ang ikalawang pagkakataon na kinuha ng Kings si Alapag para sa kanilang coaching staff sa Summer League matapos noong 2019.
-
Pagdiriwang ng ika-22nd Cityhood Anniversary ng Malabon, pinangunahan ni Mayor Jeannie
PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval ang pagdiriwang ng ika-22nd mula nang maging isang highly urbanized na lungsod ang Malabon sa pamamagitan ng mga programa, mga aktibidad at pagpaparangal para sa mga empleyado nito sa City Hall na naglingkod nang mahigit 10 hanggang 40 taon. Inorganisa ng mga opisyal ng Lungsod ng Malabon ang Gabi […]
-
Face shields nakakatulong vs COVID-19 transmission – PMA
Napipigilan ng pagsusuot ng face shields ang pagkalat o hawaan ng COVID-19. Ito ang pagtiyak ng Philippine Medical Association (PMA) kahapon. “Para sa amin ay magsuot pa rin ng face masks, face shield, maghugas ng kamay, at sumunod pa rin ng physical distancing. Malaki ang maitutulong sa proteksyon laban sa COVID-19 […]
-
Sports‘Facilities na ginamit sa 2019 SEAG, posibleng ginamit sa korapsyon’ – Sen. Hontiveros
HINDI na nakapagpigil pa si Sen. Risa Hontiveros na tawagin ang pansin ng kaniyang mga kapwa senador tungkol sa sports facilities na itinayo ng gobyerno noong 2019 South East Asian Games. Ayon kay Hontiveros, base sa kanyang pagsisiyasat ay kapansin-pansin umano ang degree of collusion sa pondo at konstruksyon ng proyekto sa New Clark […]