• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alapag pinasalamatan ang Kings organization

Pinasalamatan ni dating PBA player at Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag ang Sacramento Kings organization matapos angkinin ang korona ng katatapos na NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada.

 

 

“What an amazing experience here in Vegas for the NBA Summer League!!” wika ni Alapag kahapon sa kanyang Instagram account.

 

 

Ito ang ikalawang pagkakataon na napasama ang 43-anyos na playmaker sa coaching staff ni Kings’ coach Bobby Jackson sa nasabing pre-season tournament matapos noong 2019.

 

 

“Thankful to have been part of such a special group of people, from the coaching staff, trainers, and support staff, to the players,” ani Alapag. “Watching the team come together over the past few weeks was amazing to watch.”

 

 

Kinumpleto ng Kings ang 5-0 sweep sa NBA Summer League kasama ang 100-67 pagbugbog sa karibal na Boston Celtics sa kanilang championship game.

 

 

Umaasa si Alapag na makakasama sa c­oaching staff ni head coach Luke Walton sa pagsabak ng Kings sa NBA regular-season na magsisimula sa Oktubre 19.

Other News
  • RESIDENTE SA NAUJAN,ORIENTAL MINDORO, PINAPALIKAS NG DOH

    PINAPALIKAS ng Department of Health (DOH) ang mga residente sa Naujan Oriental Mindoro at iba pang lugar na apektado ng oil spill.     Ito ang sinabi ni  Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa kanyang pagbisita nitong Linggo sa nasabing probinsya upang tignan ang sitwasyon ng mga apektadong residente matapos lumubog ang motor tanker (MT)  […]

  • PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi

    PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng 40 smart TV, 287 wall fan, at 287 ceiling fan na ibinigay ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas  sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at high school sa nasabing lungsod para magamit ng mga guro at mga estudyante. (Richard Mesa) 

  • Ika-27 ASEAN Labor Minister’s Meeting, gaganapin sa bansa

    MAGIGING  punong-abala ang Pilipinas sa gaganaping ika-27 ASEAN Labor Ministers’ Meeting (ALMM) at iba pang pagpupulong na may kinalaman dito, sa Maynila ngayong linggo, pahayag ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma nitong Linggo.     Inaasahang dadalo sa mga pagpupulong mula Oktubre 25 hanggang 29 ang mga labor minister at mga senior labor official mula […]