ALDEN, inamin na ang character sa ‘TWBU’ ang pinaka-special kaya nahihirapang bumitaw
- Published on November 20, 2021
- by @peoplesbalita
MAY pa-surprise si Cassy Legaspi sa kanyang kakambal na si Mavy Legaspi.
Laging emotional si Carmina Villarroel sa tuwing magla-lock-in taping ang mga anak niya. Talagang kahit ikalawa, ikatlong beses na magla-lock-in ang mga ito, hindi pa rin niya mapigil ang pag-iyak.
Dumating na si Mavy mula sa lock-in taping ng kasalukuyang umeere sa GMA primetime na I Left My Heart in Sorsogon at first teleserye nito.
Pero pag-uwi niya ng bahay, ang mga magulang naman ang wala para personal siyang salubungin. Sina Carmina at Zoren Legaspi naman ang magkasamang naka-lock-in taping. Kasalukuyang nagte-taping ang mga ito ng GMA series na “The End of Us” na eere na ngayong December.
Wala man personally, pero feel sa post ni Carmina na malungkot ito na hindi nga nakita ang pagdating ng anak. Pero nagpasalamat kay Cassy sa pagigiging thoughtful daw sa kanyang kakambal.
Sey ni Carmina, “Welcome home kuya @mavylegaspi. Sorry we are not there to welcome you. Kami naman naka–lock-in ni Tatay. Congrats again to your first serye ever. Thank you @cassy for the balloons. You are so thoughtful.”
***
MAY sepanx as in separation anxiety raw na nararamdaman ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ngayong tapos na talaga silang mag-lock-in taping para sa season’s return ng The World Between Us.
Hindi lang si Alden kung hindi lahat halos sila sa cast at production.
Kaya sabi ni Alden, “Hindi pa, hindi pa tapos. Kasi, parang sanay na kapag natapos ang isang project, may cast party. Hindi pa natin nagagawa, kapag medyo okay na, we’ll have cast party. So for now, hindi pa tapos.”
Sa lahat daw talaga ng ginawang serye at role ni Alden, ang character niya sa TWBU daw ang pinaka-special sa kanya dahil isa raw ito sa talagang pangarap niyang gampanan. Kaya sabi ni Alden, parang matagal na raw siyang immersed sa role dahil noon pa, sa isip niya, nai-imagine na niyang talaga.
So, sa teaser nga na ipinapalabas, kapansin-pansin na nag-iba na siya bilang si Louie Asuncion. Version 2.0 nga raw na siyang dapat talagang abangan.
Sa isang banda, excited na rin si Alden dahil after almost two years, makakapag-travel na siya at sey niya, Christmas, New Year at Birthday niya ay sa U.S. daw niya ise-celebrate.
‘Yun nga lang, unlike before na nakakasama niya halos ang buong pamilya niya, ngayon daw ay hindi dahil hindi pa open ang embassy at sila lang ng pinsan niya ang may U.S. visa na.
(ROSE GARCIA)
-
NBA legend Dikembe Mutombo patuloy na ginagamot dahil sa brain tumor
PATULOY na nagpapagamot ang dating NBA Hall of Famer Dikembee Mutombo dahil sa brain tumor. Ayon sa NBA na may mga doctor sa Atlanta ang tumitingin sa dating basketbolista. Humingi naman ng privacy ang kaanak nito sa nasabing usapin. Ang dating center ay naglaro ng 18 season sa NBA […]
-
Ads May 4, 2023
-
Mixed emotions ang naramdaman nang mag-taping na: MARIAN, biniro pa ni GABBY kung sigurado na sa kanilang pagtatambal
NGAYONG Friday, July 14, ang simula ng 5th anniversary presentation ng “Amazing Earth PH” na magpapasimula ng GMA Best WKND Ever. Simula kasi iyon ng pagbabago ng schedules tuwing weekend ng mga GMA shows. Mapapanood muna si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, sa mystery action series na “Royal Blood,” at pagkatapos mapapanood na siya […]