ALDEN, totropahin muna tapos jojowain ni JESSY; LUIS, tumatanaw ng utang na loob
- Published on February 10, 2021
- by @peoplesbalita
SA ‘jojowain’ o ‘totropahin’ challenge ng engaged couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, para sa kanila si Kapuso actor Alden Richards ay pwedeng “jojowain” o “totropahin” na pinost nila sa YouTube vlog ni Jessy.
Hindi pa pala nami-meet nang personal ni Jessy si Alden, pero tingin daw niya ay boyfriend-material ang actor.
Kaya biro ni Jessy, “hindi kami talaga close ni Alden, siguro totropahin, tapos jojowain. Kapag nagka-girlfriend siya, kumbaga, alam mong safe ka.”
Kaya biro naman ni Luis, mag-bodyguard daw ang fiancée para alam nitong safe siya. Hindi naman daw alam ni Jessy kung ano pa ang good qualities ni Alden.
Seriously, tumatanaw pala ng utang na loob si Luis kay Alden, dahil sinalo siya nito minsan sa isang hosting job.
“Totoo ito. Dahil si Alden, one time, may hosting ako – nang magkasakit ako. Last minute, hindi ako talaga pwede dahil nanginginig na ako sa mataas na fever, kaya last minute si Alden ang gumawa ng hosting job ko.
Kaya, Thank you brother sa ginawa mong iyon.”
Hindi pala nakakalimot si Luis sa mga magagandang gestures na tulad sa ginawa ni Alden.
***
NAGING medyo sentimental naman ang muling pagbabalik ng Bida Kids competition na Centerstage last Sunday, February 7, hosted by Asia’s Multimedia Star Alden Richards.
Nagpaliwanag muna si Alden na iyong ipinalabas nila ng gabing iyon at sa susunod pang dalawang Linggo, sa February 14 at February 21, ay nai-tape na nila bago nagkaroon ng Covid-19 pandemic, kaya ang fresh episodes simula sa February 28, ay magpapakita na ng bagong virtual set ng singing competition na sa kani-kanilang bahay na ng mga batang contestants ginawa sa tulong ng production staff ng show.
Naging emotional nga ang isa sa mga judges, si Concert Queen Pops Fernandez sa isang contestant, si Faye Malijan, na may kapansanan, isa siyang bulag, at dahil napakaganda ng pagka-awit nito ng “Wind Beneath My Wings” ay siya ang nanalo laban sa kalaban niya, si TJ Lopez.
Pero hindi nanalo si Faye sa isa pang nakalaban niyang contestant, kaya nang magpaalam na si Faye, tumayo sina Pops, at dalawa pang judges, sina Aicelle Santos at Maestro Mel Villena, bilang pagpupugay sa kanya.
Pero tinalo naman si TJ ng defending champion na si Colline Salazar, kaya dalawa na ang mga finalists ng Centerstage.
***
TULUYAN nang susundan ni Andre Yllana ang yapak ng parents niyang sina Aiko Melendez at Jomari Yllana.
Sa Instagram post ni Aiko: “Congratulations @andreyllana. You are now with @vivaartistaagency. I know my son Andre is in good hands with Viva, Boss Vic and boss Vincent del Rosario and Veronique Corpus. Viva na si Andre and he is set to do a series right away. God is good.”
On Aiko naman, malapit nang magwakas ang GMA Afternoon Prime drama series nilang Prima Donnas, na napapanood pagkatapos ng Magkaagaw.
Marami nang excited malaman kung ano ang magiging parusa ni Aiko as Kendra sa napakaraming kasalanan niyang ginawa sa tatlong prima donnas na sina Mayi (Jillian Ward), Ela (Althea Ablan) at Lenlen (Sofia Pablo), kina Lillian (Katrina Halili), Jaime (Wendell Ramos) at Lady Prima (Chanda Romero). (NORA V. CALDERON)
-
Super Tekla at Michelle, nagkaayos na pagkatapos ng matinding kontrobersya
NAGKAAYOS na sina Super Tekla (Romeo Librada) at Michelle Lhor Bana-ag base na rin sa kuwento ng nanay ng anak ng komedyante sa programa ni Raffy Tulfo. Bago nangyari ang pagbabati ay nakatakdang sumalang sa drug at lie detector test si Michelle para malaman kung nagsasabi siya ng totoo bago niya sampahan ng kaso […]
-
Online flower shop nina BENJAMIN at CHELSEA, dagsa na ang orders dahil sa Valentine’s Day
SUNUD-SUNOD na raw ang flower orders ng online flower shop ni Benjamin Alves dahil malapit na ang Valentine’s Day. Happy ang bida ng teleserye na Owe My Love dahil naging sulit ang naging investment nila ng kanyang girlfriend na si Chelsea Robato sa kanilang House of Roses flower business. August 2020 nang […]
-
9 Valenzuelano Centenarians nakatanggap ng cash incentives
SIYAM na centenarian na kinakatawan ng kanilang mga kamag-anak ang nakatanggap ng cash incentives mula sa Pamahalaang Lokal ng Valenzuela bilang pagkilala sa kanilang mahabang buhay na nakaukit sa kasaysayan ng Lungsod. Ang lokal na pamahalaan ay namimigay ng cash incentives sa mga centenarian na residente ng lungsod mula noong 2016 sa bisa ng […]