Alegasyon vs Sen. De Lima, binawi ni Kerwin Espinosa
- Published on April 30, 2022
- by @peoplesbalita
BINAWI ng umaming drug lord na si Kerwin Espinosa ang lahat ng alegasyon niya laban kay Senador Leila de Lima sa isinumite niyang ‘counter-affidavit’ sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes.
Isinumite na ang counter-affidavit ni Espinosa sa DOJ kahapon, ayon sa abogadong si Ramund Palad. Sinabi ni Palad na saksi siya nang pirmahan ni Espinosa ang counter-affidavit sa Bicutan, Taguig City nitong Miyerkules.”Basically, binabawi niya or nire-recant niya whatever statements na sinabi niya kay Senator de Lima which implicated (the) senator sa illegal drug trade,” saad ni Palad.
Dumalo rin si Palad sa Zoom meeting kahapon kung kailan sinumpaan ni Espinosa ang dokumento.Isinaad ni Espinosa na lahat ng mga akusasyon niya laban kay De Lima ay hindi totoo. Kabilang dito ang sinabi niya na nakapagbigay siya ng P8 milyon na ‘drug payola’ kay De Lima noong siya pa ang kalihim ng DOJ, sa pamamagitan ng driver niya na si Ronnie Dayan.
Si Espinosa rin ang isa sa mga saksi ng pamahalaan na iprinisinta laban kay De Lima sa mga pagdinig sa Senado.
Idinagdag pa niya na anumang pahayag niya laban sa senadora ay mali at resulta umano ng panggigipit sa kaniya at banta sa kaniyang buhay at pamilya na ginawa ng mga pulis na nag-utos sa kaniya na idawit si De Lima sa negosyo sa iligal na droga.”For this, undersigned apologizes to Senator De Lima,” ayon pa sa dokumento.
Si Espinosa rin ang isa sa mga saksi ng pamahalaan na iprinisinta laban kay De Lima sa mga pagdinig sa Senado.
Idinagdag pa niya na anumang pahayag niya laban sa senadora ay mali at resulta umano ng panggigipit sa kaniya at banta sa kaniyang buhay at pamilya na ginawa ng mga pulis na nag-utos sa kaniya na idawit si De Lima sa negosyo sa iligal na droga.”For this, undersigned apologizes to Senator De Lima,” ayon pa sa dokumento. (Daris Jose)
-
DBM, naglaan ng P783 milyong piso sa 2024 NEP
UPANG magawa at maisakatuparan ang implementasyon ng iba’t ibang programa at polisiya tungo sa pagsusulong ng Micro, Small, and Medium Enterprises (MSME), inanunsyo ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman na naglaan ito ng P783 milyong piso para sa MSME Development Program sa panukalang 2024 National Expenditure Program (NEP) ng Department […]
-
PDu30, gustong palitan ni Roque si Gordon sa Senado
NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palitan ni dating presidential spokesperson at senatorial bet Harry Roque si reelectionist senator at Philippine Red Cross (PRC) chairperson Richard Gordon sa Senado. “I think you should really be in the Senate…Dapat ‘yan kagaya nila Gordon, palitan mo na ‘yan,” ang tinuran ni Pangulong Duterte kay […]
-
NBA star JR Smith desididong maglaro ng golf
Desididong sumabak sa larong golf si two-time NBA champion JR Smith. Ito ay matapos na nag-enrolled siya sa North Carolina A&T State University para makasali sa golf team ng koponan. Desididong sumabak sa larong golf si two-time NBA champion JR Smith. Ito ay matapos na nag-enrolled siya sa North […]