• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Aleng Pulis’ ipinuwesto sa NCRPO

INIHAYAG ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PBGen. Anthony Aberin na ipupuwesto at pamumunuan na ng  mga ‘Aleng Pulis’ ang ilan sa mga  pangunahing posisyon  sa organisasyon.

Ayon kay Aberin, hindi na malilimita sa mga office work ang mga babaeng pulis at sa halip at isasabak na sa mga  key position sa NCRPO at  ipakikita ang kanilang  kakayahan pamunuan ang isang  division.

Nabatid na sinimulan na ni Aberin pagbabago matapos na ipuwesto ang isang babaeng opisyal sa Civil Disturbance Ma­nagement (CDM) kabilang ang elite SWAT teams.

Sinabi ni  Aberin na hindi rin matatawaran ang kakayahan ng mga babaeng pulis sa pagbibigay ng seguridad  sa publiko at maging sa buong bansa.

Hindi aniya usa­pin ang kasarian at sa halip ay kakayahan na ­ipatupad ang peace and order at serbisyuhan ang publiko sa oras ng pangangailangan.

Nasa 25,743 ang mga pulis sa NCRPO at ipinatutupad ang programang “Able, Active, and Allied” kung saan 19 porsiyento ang babae.

Other News
  • Informal settlers na tatamaan ng ruta ng railway project, tutulungan ng gobyerno

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutulungan ng gobyerno ang mga informal settlers na maaapektuhan nang pagtatayo South Commuter Railway Project (SCRP) sa ilalim ng North-South Commuter Railway (NSCR) System.     Aminado ang Pangulo na may mga maaapektuhan sa pagtatayo ng malalaking proyekto tulad ng SCRP.     “We must also recognize the […]

  • VENDORS BIBIGYAN NG LIBRENG SWAB TESTING

    INIUTOS ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na isailalim sa libreng “swab test” ang lahat ng vendors sa labing-pitong public market sa lungsod ng Maynila.     Ang naturang direktiba ay sinabi ni Yorme kina Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla at Market Administrator Zenaida Mapoy kung saan layunin ng alkalde na maging ligtas […]

  • Half-Pinoy Jason Kubler kasama ang pakner, KAMPEON!

    TAAS-NOO na naman ang mga Pinoy matapos magkampeon sina Filipino-Australian Jason Kubler at partner Rinky Hijikata sa men’s doubles ng Australian Open na nilaro sa Melbourne nitong Sabado.   Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, may maipagmamalaki na naman ang mga Pilipino sa panalo ni Kubler.   “It’s something that […]