• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alert level system ipinairal na nationwide

Simula kahapon Lunes, Nobyembre 22, ay ipinairal na sa buong bansa ang COVID-19 alert level system na unang ipinatupad sa National Capital Region (NCR).

 

 

“Simula sa Lunes, buong bansa naka-alert level system,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III.

 

 

Nauna rito, inaprubahan ni Pang. Duterte ang nationwide implementation ng alert level system sa pagtukoy sa mga restriksiyon dahil sa banta ng COVID-19.

 

 

Sa ilalim ng Executive Order 151, ang bagong Alert Level System ay umiiral na ngayon sa NCR, Regions 3, 4A, 6, 7, 10 at 11 at unti-unting ipatutupad sa Regions 2, 8 at 12 para sa Phase 2; Regions 2, 5 at 9 para sa Phase 3; at Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 4B at 13, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa Phase 4.

 

 

Sinabi pa ni Densing na ang community quarantine COVID-19 response ay aalisin na sa Disyembre at papalitan ng granular lockdowns at iba pang alert level system, na higit na mas epektibo.

 

 

Sa ngayon ang NCR pa lamang ang rehiyon sa bansa na kuwalipikadong maibaba sa Alert Level 1 sa susunod na buwan.

 

 

Paliwanag niya, naging posible ito dahil nakamit na ng Metro Manila ang minimum requirement na mabakunahan ang 70% ng mga elderly at persons with comorbidity population, gayundin ang mismong 70% ng adult population. (Daris Jose)

Other News
  • Unlocking Healthier Future: Renal Denervation Makes Waves as New Hypertension Treatment

    Are you struggling to keep your blood pressure in check despite medications and lifestyle changes? Turning off some kidney nerves might just be for you.       At a recent medical consensus forum titled ‘Renal Denervation: A Blood Pressure Procedure,’ top hypertension specialists and interventionalists spotlight a new and promising approach for managing difficult-to-treat […]

  • Sec.Andanar, nagpaabot ng panalangin sa agarang paggaling ni Sec. Diño na nagpositibo sa Covid-19

    NAGPAABOT ng panalangin si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar para sa mabilis na paggaling ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Lloyd Diño na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).   “We extend our prayers of speedy recovery and good health to Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Lloyd Diño after […]

  • Junna Tsukii wagi ng gold medal sa world games

    NAGWAGI ng unang gold medal sa 12th World Games si Filipina-Japanese Junna Tsukii.     Inamin nito na muntik na siyang hindi ituloy ang laban na ginanap sa Birmingham, Alabama noong ito ay talunin ni Morales Gema ng Spain.     Sinabi ni Karate chief Ricky Lim na labis ang pagkadismaya ni Junna ng makakuha […]