• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALESSANDRA, GLAIZA, CHARLIE, CRISTINE at lima pa, laban-laban sa Best Actress sa ‘44th Gawad Urian’

INILABAS na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado para sa 44th Gawad Urian.

 

 

Nominado sa Best Picture Category ang Aswang, Hayop Ka, Kintsugi, Lahi Hayop, Midnight in a Perfect World, A Thousand Cuts at Watch List.

 

 

Best Director nominees naman sina Jay Altarejos (Memories of Forgetting), Alyx Arumpac (Aswang), Dodo Dayao (Midnight in a Perfect World), Lav Diaz (Lahi, Hayop), Ramona Diaz (A Thousand Cuts), Dolly Dulu (Love Foretold by the Stars), Lawrence Fajardo (Kintsugi), Antoinette Jadaone (Fan Girl), Avid Liongoren (Hayop Ka), Ben Rekhi (Watch List), at Irene Villamor (On Vodka, Beers and Regrets).

 

 

Magkakalaban naman for Best Actress sina Jasmine Curtis (Alter Me), Glaiza de Castro (Midnight in a Perfect World), Alessandra de Rossi (Watch List), Charlie Dizon (Fan Girl), Shaina Magdayao (Tagpuan), Bela Padilla (On Vodka, Beers and Regrets), Lovi Poe (Malaya), Sue Ramirez (Finding Agnes), at Cristine Reyes (Untrue).

 

 

Magkakatunggali naman for the Best Actor plum sina Elijah Canlas (He Who Is Without Sin), Enchong Dee (Alter Me), Noel Escondo (Memories of Forgetting), Keann Johnson (The Boy Foretold by the Stars), Nanding Josef (Lahi Hayop), Andrian Lindayag(The Boy Foretold by the Stars), Zanjoe Marudo (Malaya), at JC Santos (On Vodka, Beers and Regrets).

 

 

Battling it out for Best Supporting Actress are Sandy Andolong (Finding Agnes), Lolita Carbon (Lahi Hayop), Dexter Doria (Memories of Forgetting), Hazel Orencio (Lahi Hayop), and Bing Pimentel (Midnight in a Perfect World).

 

 

The nominees for Best Supporting Actor are Micko Laurente (Watch List), Jake Macapagal (Watch List), Jess Mendoza (Watch List), Dino Pastrano (Midnight in a Perfect World), and Enzo Pineda (He Who is Without Sin).

 

 

***

 

 

PALABAN sa hubaran sina Sean De Guzman at AJ Raval sa psychedelic erotic thriller Taya na dinirek ni directed by Roman Perez, Jr.

 

 

Ilang beses din naghubad sina Sean at AJ dahil marami silang sex scenes sa pelikula.

 

 

To be fair, okay naman ang performance nina AJ at Sean sa pelikula. May mga dramatic moments sina AJ at Sean na naitawid naman nila nang mahusay.

 

 

Pero ang nakakagulat ay ang willingness nila to bare for the camera. Siguro dahil sa tiwala nila sa kanilang director kaya pumayag ang dalawa na gawin ang maraming hubaran scenes.

 

 

Tastefully done naman ang mga eksena kaya di dapat mangamba ang dalawa.

 

 

Hindi pangkaraniwang sexy film ang Taya dahil masalimuot ang takbo ng kwento na sinulat ni Cinemalaya Best Screenwriter John Carlo Pacala. Hindi mo bibitiwan ang movie pag nasimulan mo na.

 

 

Kasama rin sa taya sina Jela Cuenca, Khang, Soliman Cruz, Mon Confiado, Pio Balbuena at Raul Morit.

 

 

Mapanood ito sa Vivamax.

 

 

***

 

 

SIMULA pa lang ng seryeng Huwag Kang Mangamba ay nagustuhan na namin ito agad. May dating sa amin ‘yung pagbibigay inspirasyon ng kwento nito, lalo na sa panahon ng pandemya.

 

 

Very timely kasi ‘yung makapanood ka ng seryeng maganda ang kwento at may aral kasi nakabawas somehow ng anxiety habang nabuburyong ka dahil sa pandemya.

 

 

Pero lately napansin namin na lately na masyado naman yata sumasama ang character ni Deborah (played by Eula Valdez) at parang mas nakalalamang ang evil over good.

 

 

Tapos nung isang gabi, ‘yung gay character ang gustong akuin ang pagnanakaw sa center ni Deborah samantalang alam naman niya na yung mga kapatid nyang kawatan ang may gawa.

 

 

Parang medyo lumilihis na pagiging inspiring ng kwento ng Huwag Kang Mangamba.

 

 

Sabi tuloy ng kaibigan namin, “hindi na realistic” ang dating ng kwento. Kaya our friend stopped watching.

 

 

Pero nakabawi ang HKM sa episode noong Huwebes. Ipinahuli ng Arlene Muhlach ang dalawang anak niyang kawatan na nagnakaw sa Healing Center ni Deborah kaya ang bading niyang anak na aako sana sa kasalanan ay lusot na.

 

 

Nakalabas na rin si Barang (Sylvia Sanchez) sa mental hospital sa tulong nina Mira at Joy, na kanya palang mga apo.

 

 

Tinulungan sila ng investigative reporter played by Mylene Dizon.

 

 

Mas lalo pang magiging exciting ang next episodes dahil siyempre di papayag si Deborah na mabuko sa kasalanan kanilang ginawa.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • 1 PATAY, 6 SUGATAN INARARO NG KOTSE

    ISA ang patay habang anim ang sugatan nang araruhin ng isang kotse sa Binondo, Manila.   Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa namatay habang kinilala ang mga nasugatan na sina Jerry del Rosario, 41, ng Montalban Rizal; Adriano Limse, 38 pedicab driver ng Kagitingan Tondo, Manila; Ryan Caranzo , 39 ng Dagupan, Tondo; Jonathan Ratin, 40 […]

  • Pelicans naitabla ang serye vs Suns, matapos magtamo ng injury si Booker

    NASILAT ng New Orleans Pelicans ang top team na Phoenix Suns sa iskor na 125-114, kaugnay sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs sa Western Conference.     Dahil dito tabla na ang best-of-seven series sa tig-isang panalo.     Naging daan sa panalo ng Pelicans ang all-around performance ni Brandon Ingram na may […]

  • Assistant Coach ng Magnolia na si Johnny Abarrientos, magmumulta ng P10K

    Pinatawan ng P10,000 na multa ng Philippine Basketball Association (PBA) si Magnolia Hotshots assitant coach Johnny Abarrientos.   Ito ay matapos na magsenyas ng middle finger kay Converge import Jamal Franklin sa laro nila nitong Linggo.   Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial na kanilang nakausap ang dating PBA player at pinagsisihan niya ang kaniyang […]