• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alex Eala, hawak na ang No. 75 sa Live WTA ranking kasunod ng panalo sa mga dating Grand Slam champion

Hawak na ni Pinay tennis star Alex Eala ang No. 75 sa Live Women’s Tennis Association ranking, kasunod ng impresibong performance sa mga nakalipas na laban sa 2025 Miami Open.
Bago ang pagsabak ni Eala sa naturang turneyo, hawak nito ang pang-140 na pwesto sa WTA.
Agad siyang umakyat sa ranking at nilagpasan ang mahigit dalawampung player na dating mas mataas kaysa sa kaniya.
Ang bagong rank ay batay sa ATP Rankings, isang merit-based system na ginagamit ng Association of Tennis Professionals (ATP).
Kung maipapanalo ni Eala ang mga susunod na laban, tiyak ang lalo pa niyang pag-akyat sa pwesto, kapag ilabas na ng WTA ang opisyal na ranking mga babaeng tennis player sa buong mundo.
Bagaman hindi opisyal ang live ranking, ito ay nagpapakita ng real-time projection sa standing ng isang player, batay sa pinakahuling resulta ng kanilang performance.
Samantala, sa isang panayam kay Eala matapos ang impresibong performance laban kay Iga Swiatek, iginiit niyang dati na niyang inasam na makakaharap din ang World No. 2 at iba pang kilalang tennis player ngunit hindi umano niya ito inaasahang mangyayari sa maikling panahon.
Si Eala ay nagtapos sa Rafa Academy kung saan sa kaniyang graduation ay magkasama sina 22-Grand Slam champion Rafael Nadal at Swiatek na naggawad sa certificate ng tennis star.
Other News
  • No vaccine, no participation! –Vietnam

    Kailangan nang mabakunahan ang mga miyembro ng Team Philippines na lalahok sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.     Ito ay matapos mag-isyu ang Vietnam SEA Games Organizing Committee ng ‘no vaccine, no participation” policy sa lahat ng bansang sasabak sa b­iennial event na nakatakda sa Nobyembre 21 hanggang […]

  • Thurman humirit ng rematch kay Pacquiao

    Umaasa si dating boxing champion Keith Thurman na muli niyang makakaharap si Manny Pacquiao.   Sinabi nito na nais niyang mabawi ang kaniyang titulong WBA “super” welterweight champion.   Hindi aniya ito titigil na hamunin ng rematch ang fighting senator hanggang sa magretiro ito.   Dagdag pa nito na makakaharap sana nito IBF at WBA […]

  • Sparring partner pinaluhod ni Pacquiao sa ginawang sparring session

    Napaluhod ni Sen. Manny Pacquaio ang isa sa tatlong foreign sparring partners nito sa nangyaring sparring sessions sa Wild Card Gym.     Sinabi ni Joey Concepcion, Team Mindanao Head ni Senator Manny Pacquiao, na isa sa ginagawang taktika laban kay Errol Spence ang ginamit ni Pacquiao sa di pinangalang sparring partner.   Dagdag pa […]