Alex Eala, hawak na ang No. 75 sa Live WTA ranking kasunod ng panalo sa mga dating Grand Slam champion
- Published on March 27, 2025
- by @peoplesbalita
HAWAK na ni Pinay tennis star Alex Eala ang No. 75 sa Live Women’s Tennis Association ranking, kasunod ng impresibong performance sa mga nakalipas na laban sa 2025 Miami Open.
Bago ang pagsabak ni Eala sa naturang turneyo, hawak nito ang pang-140 na pwesto sa WTA.
Agad siyang umakyat sa ranking at nilagpasan ang mahigit dalawampung player na dating mas mataas kaysa sa kaniya.
Ang bagong rank ay batay sa ATP Rankings, isang merit-based system na ginagamit ng Association of Tennis Professionals (ATP).
Kung maipapanalo ni Eala ang mga susunod na laban, tiyak ang lalo pa niyang pag-akyat sa pwesto, kapag ilabas na ng WTA ang opisyal na ranking mga babaeng tennis player sa buong mundo.
Bagaman hindi opisyal ang live ranking, ito ay nagpapakita ng real-time projection sa standing ng isang player, batay sa pinakahuling resulta ng kanilang performance.
Samantala, sa isang panayam kay Eala matapos ang impresibong performance laban kay Iga Swiatek, iginiit niyang dati na niyang inasam na makakaharap din ang World No. 2 at iba pang kilalang tennis player ngunit hindi umano niya ito inaasahang mangyayari sa maikling panahon.
Si Eala ay nagtapos sa Rafa Academy kung saan sa kaniyang graduation ay magkasama sina 22-Grand Slam champion Rafael Nadal at Swiatek na naggawad sa certificate ng tennis star.
-
“Transformers One” trailer, starring Chris Hemsworth, makes historic launch in Space
The first trailer for Transformers One has just debuted like no movie trailer ever had: In Space! The long-awaited origin story of the most iconic characters in the Transformers universe will unfold in Transformers One. The action-adventure’s first trailer debuted as a literal space launch, journeying into space for an hour, 125,000 feet above […]
-
Abalos, itinalagang ambassador ng safety ng riders
ITINALAGA ng dalawang grupo ng motorcycle riders si Senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr., sa layuning isulong ang mas ligtas na kalsada para sa mga nagmomotorsiklo at mga gumagamit ng tatlong-gulong na sasakyan. Sa ginanap na forum kinilala ng Motorcycle Philippines Federation at Motorcycle Road Safety Warriors si Abalos sa kanyang malawak na karanasan sa serbisyo […]
-
28 eskwela sa Metro Manila face-to-face muli simula ika-6 ng Disyembre
Muling madadagdagan ang listahan ng mga paaralang sasabak sa pilot implementation ng harapang mga klase habang kumakalma ang COVID-19 situation sa Pilipinas — kasama rito ang ilang paaralan mula sa National Capital Region (NCR). “NCR schools will start on December 6. For the other queries we will give more details during our presscon […]