ALFRED, inaming malaking challenge na tapusin ang master’s degree; tinupad ang pangako sa namayapang ina
- Published on July 27, 2021
- by @peoplesbalita
NAKATSIKA namin si Congressman Alfred Vargas via a zoom presscon last Sunday, a few hours after ng virtual graduation niya from UP National College of Public Administration and Governance or NCPAG where he took up a master’s degree in public administration.
Ayon kay Alfred, malaking challenge na tapusin ang kanyang master’s degree dahil sobrang busy siya sa kanyang trabaho sa congress pero bawat segundo ng buhay niya ay inilalalaan niya sa importanteng bagay sa buhay niya. Kahit inabot ng four years bago siya naka-graduate, very fulfilled naman si Alfred.
Plano rin niya na kumuha ng doctorate degree sa urban planning naman.
“Dapat talaga tuluy-tuloy ang pag-aaral natin, hindi lang sa school kundi outside through actual experience. One of the best sources of knowledge when it comes to public administration is NCPAG. Ngayon graduate na ako sa M.A., I have fulfilled my promise to my mom. Sa graduation ko, I remembered her and felt na sana nandito siya,” wika ng actor-turned-politician.
After he graduated sa Ateneo, dapat kukuha siya ng law kasi ‘yun ang request mommy ko pero he entered showbiz. Nagalit ang mom niya pero nang mapanood siya nito sa Encantadia, she gave him her blessings pero ang request nito is for him to pursue graduate studies.
Alfred could have been a big drama actor now kung hindi siya pumasok sa politics pero wala siyang regrets.
“I left acting at the peak of my career. Pero wala akong regrets in entering politics kasi gusto ko rin naman ito. Going into public service humbled me because I became more grounded. I am proud of what I have achieved in politics.
“Nakita ko ang paghihirap ng mga tao and I realized na mas fulfilled ako sa pagtulong ko sa kapwa ko. It helped me to learn to listen to the people at kung paano sila tutulungan.”
Matatapos na ang term niya as congressman next year pero wala siyang plano to seek higher office.
“Magpapahinga muna ako. I think I am leaving a good legacy and accomplishments. Balik-acting muna ako dahil na-miss ko rin naman umarte. My younger brother, PM Vargas, will run in place of me.
“He’s the current councilor now in the same district of Quezon City, District 5. Hasang-hasa na siya sa distrito namin and he knows what to do.”
Dahil sa tagumpay ng prinodyus niyang movie na Tagpuan, which won many awards locally and in various festivals, inspired si Alfred na muling mag-produce.
“I was inspired by the recognition received by Tagpuan kaya I want to do more meaningful projects,” sabi pa ng actor.
***
KAILAN kaya ang balik ni Megastar Sharon Cuneta sa bansa?
Malapit na kasi ipalabas via Vivamax ang movie niyang Revirginized kaya siyempre curious ang mga press people kung makakaharap ba nila sa isang face-to-face presscon si Ate Shawie.
Kaya lang dahil nasa heightened GCQ status tayo ngayon until July 31, bawal na naman ang gatherings kaya wait and see na lang muna kung magkakaroon ba ng presscon ng Revirginized kahit na via zoom.
Siyempre maraming gustong itanong ang press kay Sharon, lalo na ang experience niya working with Direk Darryl Yap.
Ambivalent ang reaction sa trailer ng Revirginized. May natuwa, naaliw, at marami rin ang na-shocked.
Hindi kasi nila akalain na gagawin ni Shawie ang mga eksenang ipinagawa sa kanya at sasabihin ang mga linya na her fans never imagined she’d be capable of saying.
Since ambivalent ang reaction ng kanyang mga fans, curious kami sa magiging pagtanggap ng mga Sharonians sa kabuuan ng pelikula na ipalalabas via Vivamax starting August 6.
(RICKY CALDERON)
-
Halos 100% na ang kondisyon ni Pacquiao 19 days bago ang laban
Halos 100% na umano ang kondisyon ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao bilang paghahanda sa laban nito kay Errol Spence Jr. Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Lee Marinduque, founding chairman ng Manny Pacquiao for President Movement na nasa California USA ngayon, nasa maayos ang takbo ng pagsasanay ni Pacman 19 […]
-
‘Deepfake’ videos, dumarami, PNP cybercrime group nababahala
NABABAHALA na ang Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) sa paglaganap ng ‘deepfakes’ videos at larawan online. Ayon kay PCol. Jay Guillermo, ng Cyber Response Unit, labis nang nakakaalarma ang laganap na ‘deepfake’ videos na gumagamit ng ilang sikat na personalidad sa bansa. Nagagamit ang mga ito sa pamamagitan ng artificial […]
-
Duterte, nagbabala na maghihigpit kung patuloy ang pagbalewala sa health protocols
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatupad ng paghihigpit sakaling patuloy na binabalewala ng mga tao ang mga ipinapatupad na health protocols. Sa kanyang address to the nation nitong Lunes ng gabi, sinabi ng pangulo na mangyayari ang nasabing hakbang sakaling dumami ang bilang ng mga lumalabag sa itinakdang panuntunan ng Inter-Agency Task […]