Alfred, tinanghal na ‘Darling of the Press’… HELEN at Direk CHITO, naging emosyonal sa pagtanggap ng kanilang special award
- Published on July 18, 2023
- by @peoplesbalita
MANINGING at matagumpay ang 38th Star Awards for Movies ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) na ginanap nitong Linggo, Hulyo 16, 2023, sa Centennial Hall ng Manila Hotel, na kung saan nagsilbing hosts ng gabi ng parangal na nagwagi rin ng special awards sina Claudine Barretto, Sunshine Cruz, Alfred Vargas, at Christian Bautista.
Marami sa mga nagwagi ang naging emosyonal at hindi napigilang mapaiyak sa pagtanggap ng kani-kanilang award.
Emosyonal nga ang special awardees na sina Ms. Helen Gamboa at Direk Chito Roño. Ang anak ni Helen na si MTRCB Chairperson Lala Sotto ay kasama ng PMPC present and past presidents sa pagbibigay sa veteran actress ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.
Napaiyak naman si Direk Chito sa sorpresang pagdalo ng kanyang mga alagang Streetboys na kinabibilangan nina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Danilo Barrios, Meynard Marcellano, Joey Andres, Christopher Cruz, at Nicko Manalo upang igawad sa kanya ang kauna-unahan niyang lifetime achievement award na Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera. Ayon kay Direk, bihira kasing mabuo at mapagsama sa event ang Streetboys kaya labis niya itong ikinatuwa.
Humakot ng major awards ang pelikulang “Katips” sa pangunguna ng Indie Movie of the Year at Indie Movie Director of the Year para kay Vince Tañada na itinanghal din na Movie Actor of the Year.
Ang “Katips” din ang nakakuha ng Indie Movie Ensemble Acting of the Year pati na ang Indie Movie Musical Scorer of the Year para kay Pipo Cifra.
Marami rin ang naiuwing parangal ng “On The Job 2: The Missing 8” kabilang na ang Movie of the Year, Movie Director of the Year para kay Erik Matti, Movie Supporting Actress of the Year para kay Lotlot de Leon (ka-tie si Janice de Belen para sa “Big Night!”), Movie Ensemble Acting of the Year para sa buong cast, Movie Screenwriter of the Year (Michiko Yamamoto), at Movie Sound Engineer of the Year (Corinne De San Jose).
Narito naman ang list of winners sa technical categories (Mainstream and Indie Films):
MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR – Michiko Yamamoto (On The Job 2: The Missing 8 )
MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR – Teck Siang Lim (Kun Maupay Man It Panahon)
MOVIE EDITOR OF THE YEAR – Benjamin Tolentino (Big Night!)
MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR – Whammy Alcazaren (Kun Maupay Man It Panahon)
MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR – The Storyteller Project (My Amanda)
MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR – Corinne De San Jose (On The Job 2: The Missing 8 )
MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR — “Umulan Man O Umaraw”, performed by Rita Daniela, composed by Louie Ignacio, arranged by Bobby Velasco (for the movie “Huling Ulan Sa Tag-Araw”)
INDIE MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR – Lav Diaz (Historia Ni Ha)
INDIE MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR – Lav Diaz (Historia Ni Ha)
INDIE MOVIE EDITOR OF THE YEAR – Armando Lao, Peter Arian Vito, Ysabelle Denoga (Gensan Punch)
INDIE MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR – Lav Diaz (Historia Ni Ha)
INDIE MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR – Pipo Cifra (Katips)
INDIE MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR – Albert Michael Idioma (Gensan Punch)
INDIE MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR – “Sa Susunod Na Ikot Ng Mundo” — performed by Kris Lawrence, with saxophone solo by Nicole Reluya, composed and arranged by Von De Guzman (“Nelia”)
SPECIAL AWARDS:
Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award – Ms. Helen Gamboa
Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera Lifetime Achievement Award – Director Chito Roño
DARLING OF THE PRESS – Alfred Vargas
MOVIE LOVETEAM OF THE YEAR – Donny Pangilinan and Belle Mariano (Love Is Color Blind)
FEMALE STAR OF THE NIGHT – Claudine Barretto
MALE STAR OF THE NIGHT – Christian Bautista
FEMALE CELEBRITY OF THE NIGHT – Quinn Carrillo
MALE CELEBRITY OF THE NIGHT – Sean De Guzman
FACE OF THE NIGHT – Sunshine Cruz
Ang kabuuan ng awards night at pagtatanghal ay mapapanood sa ALL TV Network sa Linggo, Hulyo 23, 9pm.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Pondo para sa gov’t wage hike, ganap ng inilabas -DBM
GANAP nang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa agarang pagpapatupad ng umento sa sahod para sa mga manggagawa sa gobyerno. Sa katunayan, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, nagpalabas ang DBM ng kabuuang P36.450 billion sa lahat ng 308 departamento at ahensiya ng pamahalaan, ‘as of Wednesday,’ […]
-
Tate, Vera ONE FC Ambassadors
NAGBIGAY pugay at inspirasyon sa tropa ng Amerikano sina dating UFC women’s bantamweight champion at current ONE Championship Vice President Miesha Tate at ONE Heavyweight World Champion Brandon “The Truth” Vera sa Andersen Air Force Base sa Guam. Isinagawa ang pagbisita sa pakikipag-ugnayan sa United Service Organizations (USO) bilang pagbibigay kahalagahan sa nagawa ng […]
-
COVID-19 booster shots, planong iturok sa mga seniors kasabay ng ‘national vaccination drive’
Target ngayon ng pamahalaan na maturukan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine booster shots ang mga senior citizen kasabay ng tatlong araw na national vaccination drive sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) vaccine development expert panel head Dr. Nina Gloriani, puwede rin umanong mag-avail ang […]