ALICE, nakapag-vaccine na at balak nang bumalik kasama ang baby sa kabila ng mataas na Covid-19 cases
- Published on April 19, 2021
- by @peoplesbalita
MALAPIT na ring mapanood sa GMA Telebabad ang Legal Wives nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres.
Malamang na iyon ang reason kaya nag-post na si Alice sa kanyang Instagram na babalik na siya sa bansa from Canada, kasama na ang kanyang baby na tinawag lamang niyang Baby A, through surrogacy.
Hindi ba siya takot umuwi ng Pilipinas sa kabila na may Covid-19 pa rin sa bansa?
“Truth be told: im a bit anxious about flying back to Manila this month with travel restrictions, Covid & all. Many people have questioned and discouraged me pero tingnan natin.
“Wish us good luck & health. I am traveling solo with a newborn (that’s right peeps no assistant in tow) just little Baby A & I.”
Mababasa raw sa kanyang YouTube vlog kung paano mag-travel safely internationally ngayong panahon ng Covid-19.
Katatapos lamang ni Alice magpa-vaccine ng first dose niya ng Pfizer, na ang second dose ay 3 to 4 weeks later pa, kaya nagtatanong siya kung may Pfizer na sa Pilipinas dahil dito na niya balak magpa-vaccine ng second dose niya, para makauwi na sila ng baby niya rito.
***
EXCITED na ang fans ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza dahil ngayong gabi na mapapanood ang naiiba na namang character na gagampanan niya sa drama series na I Can See You: The Lookout.
Si Barbie ang isa sa mga Kapuso actresses na hindi namimili ng role, lalo na kung first time niyang gagampanan ito.
Gaganap si Barbie bilang si Emma Castro, ang all-around helper at raketera girl na napasok sa isang magulong trabaho para lamang sa maysakit na kapatid. Ayon kay Barbie, tinatanggap niya kahit anong role na ibigay sa kanya, hindi niya itinatanong bakit ganoong role ang gagampanan niya.
“Basta inilalagay ko po ang sarili ko sa character, kapag nagsimula na akong humarap sa camera na all-made up bilang si Emma Castro: the red highlights, red lipstick, and the outfits. This factors made me feel bolder and tougher.”
Makakasama ni Barbie si Christopher de Leon na isang dream-come true sa kanyang makatrabaho ang well-respected na actor, Paul Salas, Adrian Alandy, Benjie Paras, Arthur Solinap, Marina Benipayo, Elijah Alejo, Luis Hontveros, Ella Cristofani, and directed by LA Madridejos.
Mapapanood ito at 8:50 PM, pagkatapos ng First Yaya.
***
TIYAK na ikatutuwa ng mga fans ng bagong love team nina Julie Anne San Jose at David Licauco, ng new romantic-drama series na Heartful Cafe.
Sa halip kasing sa GTV ito mapapanood, simula sa Monday, April 26, ay sa GMA Telebabad na ito eere, pagkatapos ng First Yaya sa GMA-7.
Makakasama nila sina EA Guzman, Ayra Mariano, Victor Anastacio, Zonia Mejia, at Jamir Zabarte.
***
MARAMI nang na-excite nang ilabas ng GMA Network ang mga bago nilang shows and programs, isa na rito ang action-packed family drama na Agimat ng Agila, na itatampok ang much-awaited TV comeback ni Ramon “Bong” Revilla Jr.
May mga nag-comment na ngang isa raw ang show sa inaabangan nila na mai-air na ng GMA. Nai-excite daw sila sa bumubuo ng cast.
Makakasama ni Bong sa adventure series sina Sanya Lopez, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Michelle Dee, Ms. Elizabeth Oropesa, at may special participation si Sheryl Cruz, plus ang mga special guests na itatampok nila per episode.
Sa direksyon ito ni Rico Gutierrez at mapapanood pagkatapos ng 24 Oras Weekend, bago ang Centerstage (NORA V. CALDERON)