ALICE, ni-reveal na girl ang kanyang ‘miracle baby’ na si AURA
- Published on May 12, 2021
- by @peoplesbalita
LAST Saturday, May 8, hindi na nagkait si Kapuso actress Alice Dixson, na i-reveal na niya ang kasarian at pangalan ni “Baby A,” ang kanyang tinawag na ‘miracle baby,” nang mag-guest siya sa segment ng “Bawal Jugmental” sa Eat Bulaga.
Matagal na kasi niyang inilabas ang baby, pero hindi pa niya ipinakikita ang face nito, ang gender at ang kanyang name. Kaya hindi na siya nagkait na i-reveal ito last Saturday, in time sa Mother’s Day, May 9: “Babae po ang anak ko. Her name is Aura.”
“Nanghinayang ako na hindi ko agad nalaman ang kasiyahang hatid ng pagiging nanay. It’s an amazing experience. I wish that I knew about it earlier… and I wish nagkarooon ako ng opportunity to have a child earlier.”
“Challenging pala ang adjustments ko bilang first-time mom,” sabi ni Alice.
“Wala kasi akong naging comparison pero siguro like all first-time mom, mahirap yung puyat, mahirap yung adjustments sa pagpapakain ng baby, sa totoo lang, hanggang ngayon wala akog yaya so, it’s all me. Pero ini-enjoy ko iyon.
“Ganoon pala ang mag-alaga ng baby, kahit mapuyat ka, kapag umiyak siya dahil nagugutom siya, gigising ka para ihanda ang gatas ni Aura.”
Bumalik na si Alice sa bansa dahil balik-lock in taping na sila ng Legal Wives na kasama niya si Dennis Trillo ang mga legal wives na sina Andrea Torres at Bianca Umali.
Dalhin kaya ni Alice si Aura sa lock-in taping?
***
LAST weekend, maraming nagulat nang ilabas mismo ng mahusay na actress na si Cherie Gil, ang balitang iniwan na niya ang ginagawa niyang bagong teleserye sa GMA Network, ang cultural drama series na Legal Wives.
Kilalang isang professional actress si Cherie kaya maraming nagulat sa naging desisyon niya, na ayon sa kanya ay matagal niyang pinag-isipan, kasama na ang dasal, kung dapat ba niyang gawin iyon. At ang final decision nga niya ay iwanan na niya ang serye.
Wala siyang sinabing reason sa kanyang desisyon, pero may nagsasabing may hindi raw siya nagustuhang kasama sa trabaho. Wala naman siyang sinabing dahilan kung artista o kasama sa production, o ang paraan ng trabaho ngayong may pandemic ang problema niya, pero nakakagulat nga lamang dahil nakadalawang lock-in tapings na sila at dapat ay papasok na sila sa pangatlong lock-in taping na kung hindi kami nagkakamali ay hudyat na iyon ng pagtatapos ng trabaho nila.
Ano kaya ang magiging desisyon ng GMA Entertainment Group, ni Zig Dulay na siya ring nagdirek ng first cultural drama na Sahaya sa GMA 7, na umani pa nga ng awards sa abroad.
Si Direk Zig din ang namamahala sa Legal Wives. Papalitan ba si Cherie, na mangangahulugan na uulitin nila muli ang taping sa simula pa lamang ng pag-appear ng character niya.
Gumaganap sa serye sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali, at StarStruck 7 alumni, Shayne Sava and Abdul Rahman, na excited pa naman daw si Cherie na makasama niya sa serye ang dalawa dahil isa siya sa mga judges sa original artista search ng GMA Network.
Sabi nga, abangan na lamang natin ang susunod na kabanata!
(NORA V. CALDERON)
-
Truck ban, suspendido sa loob ng 2 -week ECQ sa NCR
SUSPENDIDO ang ipinatutupad na truck ban sa Kalakhang Maynila sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20, 2021. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na layon nito na maging dire-diretso ang delivery […]
-
Vaccine expert panel, inirekomendang magamit ang Sinovac vaccine sa senior citizens
Naghain na ng rekomendasyon ang vaccine expert panel (VEP) para magamit na rin ng senior citizens ang COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese company na Sinovac. Ito ay kasunod ng ulat na ubos na ang paunang 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines na ibinigay ng COVAX Facility ng World Health Organization (WHO). […]
-
PDu30, iginiit ang Asia-Europe partnership para sa mas malakas na socioeconomic recovery
IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtutulungan ng Asya at Europa para sa inclusive socioeconomic recovery base sa prinsipyo ng “justice, fairness, and equality” upang matugunan ang hamon na bitbit ng coronavirus (COVID-19) pandemic. Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa Second Plenary Session ng 13th Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit sa Malakanyang, araw ng […]