• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aliño, bagong SBMA head

OPISYAL na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang negosyanteng si Eduardo Aliño bilang bagong chairperson at administrador ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

 

 

Sa katunayan, pormal nang nanumpa sa kanyang tungkulin si Aliño sa harap ni Pangulong Marcos bilang SBMA head sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“President Ferdinand R. Marcos Jr. sworn in businessman Eduardo Aliño on Friday as administrator of the Subic Bay Metropolitan Authority,” ayon kay Communications Secretary Cheloy Garafil sa isang kalatas.

 

 

Ang SBMA ay nagsisilbi bilang “operating at implementing arm” ng gobyerno para sa development ng Subic Bay Freeport upang maging “self-sustaining tourism, industrial, commercial, financial, at investment center” para makalikha ng employment opportunities.

 

 

Pinalitan ni Aliño si dating SBMA administrator Jonathan Tan na uupo naman sa kanyang bagong posisyon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

Tinuran pa ni Garafil na nanumpa na rin si Tan bilang DILG undersecretary.

 

 

Si Aliño ang chair ng Subic Bay Yacht Club, at maging pangulo at chairperson ng S.T.A.R. Group of Companies.

 

 

Siya rin ang pangulo at chairperson ng Subic Bay Freeport Grain Terminal Services, Inc. at Mega Equipment International Corp.

 

 

Samantala, si Tan ay nagsilbi naman bilang Alkalde ng Pandan, Antique mula 2010 hanggang 2019.

 

 

Si Tan ay isa ring negosyanteng na siyang nagmamay-ari ng JDT Construction and Supply at nagsilbi bilang pangulo ng JDT Trading. (Daris Jose)

Other News
  • DBM, aprubado ang paglikha ng 89 plantilla positions sa National Museum

    INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang naging kahilingan ng National Museum of the Philippines (NMP) para sa ‘organizational at staffing changes’ kabilang na ang paglikha ng 89 karagdagang permanent positions.         Ang pagpayag ng DBM ay pagkilala sa mahalagang papel ng cultural heritage at kasaysayan sa economic development ng […]

  • Mister na wanted sa multiple counts of rape sa Mindoro, nakorner sa Caloocan

    NAGWAKAS na ang mahigit labing-isang taon pagtatago ng 54-anyos na mister na wanted sa multiple counts of rape sa Lalawigan ng Mindoro nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa lungsod ang akusado na wanted sa multiple counts of […]

  • Pagtanggap ni Vanessa Bryant sa Hall of Fame award ni Kobe naging emosyunal

    Naging emosyonal si Vanessa Bryant ng tanggapin nito ang Naismith Memorial Basketball Hall of Fame para sa pumanaw na asawang NBA legend Kobe Bryant.     Kasama niya sa stage si NBA superstar Michae Jordan.     Kahit na hindi na nagsalita si Jordan ay naging mahalaga ang presensiya nito sa taas ng stage dahil […]