• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALJUR, hinamon si KYLIE na sabihin kung sino ang unang nag-cheat sa kanilang relasyon; malaking sampal kung totoong pinagtaksilan

HOT topic ang IG post ni Aljur Abrenica kung saan sinabihan niya ang ex-wife niyang si Kylie Padilla na magsabi nang totoo kung sino ba ang talagang unang nag-cheat sa kanilang relasyon.

 

 

Mahaba ang post ni Aljur (written in English) pero ang ibang netizens ay pinagdudahan pa kung si Aljur nga ba talaga ang gumawa ng post written in English although may few grammatical errors kasi ang post.

 

 

Pero hindi naman nagpatinag si Kylie na nag-post din sa kanyang IG account, saying something like na ang kahit na sinong lalaki ay gagawa ng dahilan para mapagtakpan ang kanyang pagkakamali.

 

 

Ang isa pang tanong ng netizens ay kung supposedly ay si Kylie ang unang naging “unfaithful,”  ay sino raw ang bf ni Kylie?

 

 

Sabi naman ng isang kaibigan, hindi raw magagawa ng isang lalaki na sabihin na his wife cheated on him dahil malaking sampal iyon sa kanyang pagkalalaki.

 

 

Pinakamahirap na gawin ng isang lalaki na amining “pinagtaksilan” siya ng kanyang asawa. Kaya kung aaminin niyang ganun, paniniwalaan mo na.

 

 

Ang isa pang hindi maganda sa pag-aaway nina Kylie at Aljur sa social media ay ang magiging epekto nito sa kanilang anak.

 

 

***

 

 

MARAMI ang nagulat pero natuwa sa ‘patikim’ ni Edgar Allan Guzman sa Bench underwear pictorial na kung saan ipinakita ang kanyang sexy body.

 

 

Sa presscon ng bagong movie niya na Walker ay binanggit ni EA na willing siya to go sexy maging sa pelikula o sa TV.

 

 

“It’s about time for me to go sexy. Una muna sa pictorial kaya pinaghandaan ko talaga ito. Ready na ako magpaseksi whether sa TV o pelikula.  Ready na ako to do exciting roles,” sabi ng Mr Pogi winner ng Eat Bulaga.

 

 

Ex-convict na asawa ni Elora Espano ang role ni EA sa Walker.

 

 

“I want to start a new life at hindi ko na gustong balikan ang dati kong gawa. Kaya nag-tricycle driver na lang ako. Pero may mga pangyayaring di maiwasan na magtutulak sa iyo to go back sa ayaw mong gawin,” kwento ni EA sa role niya.

 

 

“Every role naman is always a challenge. Bawat role ay adjustment na kailangan gawin. So kailangan maghanap ka ng pegs na pwede mong pag-aralan for your role.”

 

 

***

 

 

THE Fabulous Filipino Brothers, ang unang directorial job ng Fil-Am actor, writer, producer and poet na si Dante Basco.

 

 

Ito rin ang ikalawang collaboration ng kanyang production outfit with Cignal Entertainment.

 

 

Ayon kay Dante, fiction ang pelikula pero ang istorya ay based sa true experiences ng kanyang pamilya

 

 

“I am grateful to be given this chance to tell our story and inspire others as well,” sabi pa ni Direk Dante who added he is a proud Pinoy.

 

 

“We have to look for good stories to tell that the audience can relate to.

 

 

“Being a part of this industry for over 30 years, I would say this is the perfect time to represent the Asian community.”

 

 

Umaasa si Direk Dante na magugustuhan ng kapwa niya Pinoy ang kwento ng The Fabulous Filipino Brothers once mapanood nila ito.

 

 

“I made the film for the world but I also made it for us, Filipinos. This is a very personal film for me and I am proud Pinoy myself.”

 

 

Si Solenn Heusaff ang leading lady ni Dante at may kissing scene at bed scene sila sa movie.

 

 

“She’s great. She’s the coolest person I’ve worked with. She’s very talented and she does amazing visual art.” sina Dante at Solenn sa pelikula.

 

 

Mapapanood ang The Fabulous Filipino Brothers via pay per view sa Cignal for only P200 and KTX.ph for P249.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Japan planong luwagan ang border controls

    PLANO ngayon ng Japan na luwagan ang kanilang border controls.     Ayon kay Prime Minister Fumio Kishida , na kanilang pinag-aaralan ang nasabing panukala matapos na ipatupad noong nakaraang taon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant.     Sa nasabing border ay pinagbabawal ang pagpasok ng mga dayuhan ng […]

  • Sec. Lorenzana, pinabulaanan ang ulat na magkaiba sila ng ‘tono’ ni PDu30 sa usapin ng incursion ng China sa WPS

    PINABULAANAN ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang ulat na taliwas ang kanyang mga pahayag sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng incursion o pagsalakay ng China sa West Philippine Sea (WPS).   Aniya, ang naging kautusan ni Pangulong Duterte sa defense department hinggil sa WPS ay […]

  • PISO na PROVISIONAL INCREASE ng PASAHE sa HALIP na TATLONG-PISO

    Balak mag-petition sa LTFRB ang ilang jeepney transport groups para sa provisional increase na P3 – tatlong-piso – sa minimum fare dahil sa napakamahal na presyo ng diesel ngayon.      Sa dating P9. pesos ay magiging P12. pesos ang singil ng minimum fare.      Dama natin ang hinaing ng mga operators at drivers […]