• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALJUR, sinisisi ng netizens kung bakit sila nagkahiwalay ni KYLIE; ROBIN, ni-reveal na may third party

MARAMI kaming nababasa na galit kay Aljur Abrenica at sinisi ang huli sa paghihiwalay nila ng misis na si Kylie Padilla.

 

 

Kadalasan ng comment, “ang ganda na ni Kylie, nambabae pa.” “Maganda na nga ang misis, ipinagpalit pa rin.”

 

 

Nandiyang tinawag din si Aljur na mayabang at iba pa.

 

 

Hindi nagsalita sina Kylie at Aljur, pero ang ama ni Kylie na si Robin Padilla nga ang nag-reveal na third party ang dahilan. Hindi raw ito kayang tanggapin ni Kylie, pero sa pananaw ni Robin, gaya kasi ng pinagdaanan niya, for him e, tipong normal na sa lalaking mambabae, huh!

 

 

Sa statement ni Kylie, tipong sa ngayon they want to practice good co-parenting sa dalawang anak at tipong inaayos pa rin.

 

 

Kung pagbabasehan namin ang mga away-bati, hiwalayan at balikan nila noong mag-boyfriend at girlfriend pa, ‘di-malayong magkabalikan pa rin sila lalo na’t kasal na ngayon.

 

 

***

 

 

AWARE si David Licauco na ngayong pandemic, nasabay pa ang pagsa-shutdown ng kabilang network, ang ABS-CBN, kapansin-pansin na may mga Kapuso artists na hindi na muna nare-renew ang kontrata. At may mga galing sa kabila na pumapasok sa GMA-7.

 

 

Pero isa siya sa mapalad na muling ni-renew ng GMA Artist Center.

 

 

Kaya sey niya, “’Yung pagiging artista kasi, this is a dream of mine way back. So just giving the opportunity at nag-renew ako ulit this year and ‘yun nga, knowing na marami silang hindi na kinuha, sobrang happy lang.

 

 

      “Dahil do’n, gusto kong bigyan ng sukli ‘yung trust na binigay nila sa akin. So sa mga next project ko, mas gagalingan ko pa. I’m just really thankful talaga.”

 

 

Ang huling show ni David ay ang Heartful Café katambal si Julie Anne San Jose. Hindi pa raw niya alam sa ngayon kung ano ang mga susunod niyan gagawin.

 

 

Pero bongga rin naman si David. Hindi lang talaga showbiz ang source of income niya. Bukod sa tinayong gym na inamin nitong naapektuhan din ng pandemic, may iba pa pala siyang mga  business.

 

 

Mula sa pagiging happy-go-lucky noong High School, hindi rin daw niya akalain na….

 

 

“Ako ‘yung tipong hindi nag-aaral, hindi pumapasok. Palaging tulog. So wala lang, nakakatawa lang na parang ngayon, parang palagi akong nag-iisip.

 

 

      “Hindi ko lang inexpect na magiging ganito ko actually, specially ‘yung pag-arte. Kasi, growing-up, mukha akong wasted, mukha akong madumi. Maduming tao, basically.

 

 

Pero ngayon, masaya raw siya na he’s doing good both in his acting career and business.

 

 

***

 

 

ANG daming masaya para sa actress na si Bela Padilla.

 

 

Halatang nag-e-enjoy lang siya sa buhay niya ngayon at masaya kasama ang boyfriend.

 

 

Hindi nga naging hadlang ang pandemic para kay Bela na last year lang, lumipad din para magkita sila ng boyfriend ng Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay.     Then, nag-Turkey pa sila noong summer at ngayon nga, finally reunited for seems like, indefinite time sa mismong country ni Norman, sa Switzerland.

 

 

Ang unang post ni Bela aside sa mga pa-Instagram stories niya ay ang pagpapa-thank you niya for reaching 7 million followers in Instagram.

 

 

At sa caption niya, sa panahon na isang taon at kalahati na halos since nagkaroon ng pandemic at halos mas sa bahay pa rin ang mga tao, particular na ang Pinoy, given na talagang marami ang maiinggit sa mga post niya.

 

 

Ang hilig pa naman mag-post ni Bela na nagda-drive at para silang free as a bird ng boyfriend.

 

 

Sa caption niya, sey ni Bela, “Today, I woke up in a house facing vineyards and hiked without meaning to, to get to this natural pool. I go full circle on this post with 7 million followers with no filters and edits, no balloons and fanfare. Just natural, beautiful love for all of you.”

 

(ROSE GARCIA)

 

Other News
  • NTC sa publiko: Huwag i-click ang links, magbigay ng personal data sa mga natatanggap na spam messages

    Pinag-iingat ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko sa mga natatanggap na spam messages.     Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgar Cabarrios, huwag na dapat buksan pa ang link na nakapaloob sa spam messages na ito.     Bukod dito, hindi rin dapat magbigay ng personal data ang sinuman sa mga links na kanilang […]

  • Hontiveros sa house-to-house search for COVID-19 cases ng PNP: Parang tokhang

    Inihalintulad ni Senator Risa Hontiveros ang inisyatibang house-to-house search para sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 cases sa ‘oplan tokhang’ na isasagawa ng mga pulis, local government, at health officials.   Maaalalang ang oplan tokhang ay ikinasa laban sa iligal na droga.   “Parang tokhang pero pang-COVID. This may actually discourage more people from reporting […]

  • 3-million initial vaccines ang ni-rehistro ng Pilipinas vs COVID-19: DOST

    Tatlong milyong bakuna laban sa COVID-19 ang ni-rehistro ng Pilipinas sa pagsali nito sa COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).   Sa Malacanang briefing, sinabi ni Science Sec. Fortunato de la Peña na ang naturang bilang ay minimum requirement para sa subscription sa nasabing pasilidad. Katumbas daw […]