• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALOK NA NURSES FOR VACCINE SWAP, HINDI NAKUNSULTA ANG DOH

HINDI  umano nakunsulta ang Department of Health (DOH) kaugnay sa alok ng Department of Labor and Employment (DOLE)  na  nurses-for-vaccine swap sa Germany at UK.

 

 

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, wala rin silang impormasyon tungkol sa nasabing usapin .

 

 

“Sa tingin ko ay magkakaroon ng pag-uusap diyan at dapat idulog sa IATF kung sakalaing may ganitong proposal o plano na kailangang gawin because of vaccines”, ayon pa kay Vergeire sa  virtual forum.

 

 

Dsagdag pa nito, nasa IATF din aniya ang desisyon hinggil dito.

 

 

Sa nasabing proposal ng DOLE,sinabi naman umano ng UK health ministry na walang plano ang UK  na  sumang-ayon  sa vaccine deal  sa PIlipinas kung saan mas marami pang nurses ang irerecruit at ipapadala kapalit ng bakuna. (GENE ADSUARA)

Other News
  • PNP chief sa mga courier services:’Kilatisin mabuti ang mga rider’

    Pina-alalahanan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga delivery at courier service companies na kilatisin muna ng mabuti ang kanilang mga kinukuhang delivery riders para masigurado na hindi nagagamit ang kanilang kumpanya sa mga iligal na transaksiyon at lalo na ang paghahatid ng mga kontrabando.     Hinimok naman ng PNP ang mga delivery […]

  • Wish niya na maka-duet si Sampaguita: ICE, inaming ngalngal kabayo sa kanta ng BINI at SB19

    MAY pa-sneak peek nga ang OPM Icon na si Ice Seguerra para sa pinaghahandaan nila para tinawag nilang ULTIMATE VIDEOKE EXPERIENCE OF THE YEAR!   Para ito sa repeat ng ‘Videoke Hits OPM Edition’ sa Nov. 8 titled ‘Ice Seguerra Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa!’ sa Music Museum (8 pm). Produced ito ng Fire […]

  • MRT 4 magdudulot ng 73,000 na trabaho para sa mga Filipinos

    Inaasahang magbibigay at magdudulot ng 73,000 na direct at indirect na trabaho sa mga Filipinos ang pagtatayo ng Metro Rail Transit Line 4 (MRT4) na siyang magdudugtong sa Eastern part ng Rizal at Metro Manila.     Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa signing ceremony noong nakaraang Biyernes sa Rizal Provincial […]