• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Alyansa’ kukumpletuhin mga campaign kickoff sa engrandeng rally sa Pasay City

SUSUGOD na ang administration-backed Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Metro Manila tampok ang napakalaking rally sa Pasay City sa Martes, Pebrero 18, para kumpletuhin ang mga serye ng campaign kickoffs bago ilunsad ang full blast na pangangampanya sa mga darating na araw para sa 2025 midterm elections sa Mayo.

Magsisilbing venue ang 12,000-capacity Cuneta Astrodome para itulak ang kandidatura ng ‘Alyansa’ sa National Capital Region, isa sa mga itinuturing na decisive electoral battleground tuwing eleksiyon.

 

Mayroong 13.48 milyong residente, ang NCR ay may ipinagmamalaking 7.32 milyong rehistradong botante upang maging kritikal na stronghold sa 2025 polls.

Ang NCR ay naging krusyal noong 2022 polls dahil sa 5.96 milyon ang bumoto sa naturang halalan.

Sa naturang eleksiyon, nakakuha si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng 3.26 million votes upang walisin ang 17 lungsod at munisipalidad – tagumpay na nais duplikahin ng ‘Alyansa’ para sa kanilang 12-member senatorial ticket.

Sinusundan ng Pasay rally ang mga tagumpay at malakas ding mga campaign kickoff sa Laoag City, Ilocos Norte; Iloilo City at sa Carmen, Davao del Norte para kumpletuhin ang Luzon, Visayas at Mindanao at ikasa ang malawakang kampanya sa buong bansa sa mga darating na araw.

“Sinimulan natin sa Ilocos Norte, dinala ang ating mensahe sa Visayas at Mindanao, ngayon naman nasa puso na tayo ng NCR,’ ayon sa campaign manager ng ‘Alyansa’ na si Navotas City Rep. Toby Tiangco.

 

 

“Krusyal sa magiging tagumpay natin sa 2025 ang Metro Manila, ang rally na ito ay magpaparating sa taumbayan ng ating bisyon ng kaunlaran at pagkakaisa sa bawat Pilipino,” dagdag nito.

Magiging malakihang show of force ang Pasay event dahil inaasahang mismong si Pangulong Marcos, kasama ang kanyang mga kaalyado, ang susuporta sa powerhouse 12-member Senate slate.

 

 

Binubuo ito nina dating Interior Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Senator Pia Cayetano, Senator Imee Marcos, Senator Lito Lapid, mga dating senador Panfilo “Ping” Lacson at Manny Pacquiao, Senator Ramon Bong Revilla, Jr., dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Francis “Tol” Tolentino, dating Social Welfare Secretary Erwin Tulfo at Deputy Speaker Camille Villar.

Popokus ngayon ang kampanya ng administrasyon sa puspusang panliligaw ng mga botante at mapanatili ang momentum sa kabuuan ng campaign period.

 

 

Inaasahang ilalatag ng mga administration candidates ang kanilang mga plano para sa pagbangon ng ekonomiya, pagpaparami ng infra projects, pagbibigay ng matatag na edukasyon, mga repormang pangkalusugan at mas malakas na polisiya sa national security.

Palalakasin din ng Pasay event ang mensahe ng ‘Alyansa’ na pagkakaisa at pagpapatuloy ng kaunlaran para ipagpatuloy ang mga nasimulan na ni Pangulong Marcos matapos ang 2025. (Daris Jose)

Other News
  • Imee Marcos, pinasalamatan ni VP Sara para sa pagsuporta sa pamilya Duterte

    PINASALAMATAN ni Vice President Sara Duterte si Senador Imee Marcos para sa pagsuporta nito sa kanyang pamilya kahit pa nauwi ito sa tuluyang pagkakaroon ng tampuhan ng mag-pinsan na sina Imee Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.     Sa naging mensahe ni VP Sara, sinabi nito na ‘proud’ ang kanyang sa pamilya sa […]

  • Putin, ipinag-utos na ilagay sa high alert ang nuclear forces ng Russia

    IPINAG-UTOS ni Russian President Vladimir Putin na ilagay sa high alert ang deterence forces ng Russia na kinabibilangan ng mga nuclear arms.     Sa kanilang isinagawang pagpupulong ay inatasan ni Putin sina Defense Minister Sergei Shoigu at chief of General Staff of the Russian Armed Forces Valery Gerasimov na ilagay sa combat alert ang […]

  • P15 minimum pasahe sa jeep, hihimayin sa Pebrero 19

    TINIYAK ng Land Trans­portation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) na itinakda na ang pagdinig sa Pebrero 19 para sa nakabinbing petisyon na itaas sa P15 ang pamasahe para sa mga jeepney. Inihayag ito ng LTFRB Technical Division Joel Bolano sa panayam ng Super Radyo dzBB nitong Sabado. “Ang petisyon ay ga­wing P15 ang minimum fare mula […]