• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alyssa Valdez matindi ang determinasyong makabalik sa paglalaro

Matindi ang pagnanais ni Alyssa Valdez na makabalik sa wastong porma sa lalong madaling panahon para makasabak sa 6th Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa February at sa Cambodia 32nd Southeast Asian Games sa May.

 

Siniguro ng 29-anyos, 5’9’ ang taas na dalagang outside hitter ng Creamline sa kanyang mga tagahanga na ginagawa niya ang mahusay na therapy at pag-aalaga sa sarili para agad gumaling makaraang magka-right knee injury noong December sa Cool Smashers-Chery Tiggo game.

 

“I am not wasting time to be able to recover but we are making sure na it will not go to waste,” giit ni ‘Phenom’ sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Martes sa Philippine Sports Commission (PSC) conference room ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

 

Hinirit ni Valdez sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, PSC, Philippine Olympic Committee (POC), at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na kasama sa kanyang motibasyon at inspirasyon habang nagpapagaling ang makatawan uli ang bansa sa 11-nation, biennial sportefst.

 

“Yes po, isa po iyun sa aking matinding inspirasyon sa ginagawa ko po na paunti-unting pagpapagaling kasi po gusto ko po talaga na mairepresenta ang Pilipinas lalo na sa SEA Games. Malapit na po iyun kaya po sinisiguro namin ang pinakatamang direksyon na makabalik po ako sa paglalaro,” panapos na sey ng Batangueña mula sa San Juan at produkto ng Ateneo Blue Eagles. (CARD)

Other News
  • National Press Freedom Day bill pasado na sa Senado

    INAPRUBAHAN ng senado sa huling pagbasa ang panukalang batas na nagdedeklara sa Agosto 30 kada taon bilang National Press Freedom Day.   Ipinasa ng mga senador ang Senate Bill 670 bilang pagkilala kay Marcelo H. Del Pilar na ikinokonsidera bilang father of Philippine Journalism.   Nakakuha ito ng kabuuang 19 at walang kumuntra ganun din […]

  • COVID-19 booster shots, planong iturok sa mga seniors kasabay ng ‘national vaccination drive’

    Target ngayon ng pamahalaan na maturukan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine booster shots ang mga senior citizen kasabay ng tatlong araw na national vaccination drive sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.     Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) vaccine development expert panel head Dr. Nina Gloriani, puwede rin umanong mag-avail ang […]

  • Dating adviser ni Duterte idinawit sa iligal na droga, ipinaaaresto ng Kamara

    IPINAG-UTOS ng House Committee on Dangerous Drugs ang pag-aresto sa negosyanteng si Michael Yang matapos itong ma-cite in contempt dahil sa patuloy na hindi pagdalo sa imbestigasyon kaugnay ng P3.6 bilyong halaga ng shabu na nasamsam sa isang operasyon sa Mexico, Pampanga noong 2023. Si Yang, na naging adviser ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, […]