• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Amit at Centeno tatako sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball

PUNTIRYA nina Philippine pool queens Rubilen Amit at Chezka Centeno na tuldukan ang pagkauhaw ng bansa sa titulo pagsabak sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball Championship sa Jan. 19-22 sa Atlantic City, New Jersey.

 

Umalis sina Amit, 41, ng Cebu, at Centeno, 23, ng Zamboanga para sa isang misyong makopo ang unang kampeonato ng mga Pinay na nagkahalaga ng $30K (P1.6M) sa apat na araw na pasarguhan ng World Pool-Billiard Association (WPA).

 

Pero nahaharap sa mabigat na laban ang dalawang tumbukera ng bansa kontra sa 62 iba pang mga astig ding cue atist sa iba’t ibang panig ng mundo sa torneong may aktuwal na kabuuang papremyong $148K.

 

Isa sa mga astig na kalahok dito na magbabalik matapos ang apat na taong pagliban dahil sa pandema ay si Brit Kelly Fisher, na tinalo ang Austrian na si Jasmin Ouschan sa pagrereyna sa huling huling ediyon sa Sanya, China noong 2019.

 

Naabot ni Amit ang Final 4 sa parehong edisyon pero nabigo kay Ouschan, 9-2. Pinakataas na tinapos ng ‘Pinas ang segunda sa pamamagitan din ng Cebuana player noong 2007 sa Taiwan na pinamayagpagan ni Chinese Pan Xiaoting.

 

Ang torneo ay magpapatupad ng double-elimination format na race-to-7, winner breaks matches, pa-final-16 paiiralin ang knockout, race-to-9 system.

 

Magkadikti sina Amit at Centeno sa world rankings sa pagpanlima at pangwalong puwesto sa WPA, ayon sa pagkakasunod.

 

Motibasyon ni Amit sa korona ang kakulangan nito sa koleksiyon niya tapos na makopo ang dalawang world 10-ball crown, 10 SEA Games gold medal, at isang world 10-ball team title noong nakaraang taon nang makipaggsanib-puwersa kina Carlo Biado at Johann Chua sa Klagenfurt, Austria. (CARD)

Other News
  • Kawhi Leonard nagbaon ng game-winner kontra Hornets

    IPINAGSIGAWAN ni Kawhi Leonard ang balik mula right ankle sprain nang ibaon ang game-winner sa 119-117 win ng Clippers kontra dinayong Hornets sa Spectrum Center sa Charlotte nitong Lunes.   “I don’t think anybody loves playing this game more than me,” pakli ni Leonard, pinakawalan ang winner 1.4 seconds sa orasan at tumapos ng 16 […]

  • Irving nagmatigas, hindi pa magpapabakuna

    NAGMATIGAS ngayon ang NBA superstar na si Kyrie Irving na hindi pa rin nagbabago ang kanyang paninidigan na hindi magpapabakuna.     Ginawa ni Irving ang pahayag kasunod na rin ng report na aabutin ng mahigit sa isang buwan na mawawala ang kanilang main man na si Kevin Durant dahil sa injury.     Sa […]

  • PDu30, gustong dalhin ang bakuna laban sa Covid- 19 sa squatters area

    GUSTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dalhin ang mga government vaccinators sa mga bahay ng indigent communities o sa squatters area para mabigyan ng COVID-19 doses.   “We are thinking of going mobile . . . my order now is for the team to give you the vaccine,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang […]