• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANAK NG MAG-ASAWANG MAMBABATAS, ITINALAGA NI PANGULONG DUTERTE NA BAGONG KONSEHAL NG MALABON

ITINALAGA ni pangulong Rodrigo Duterte ang 27-anyos na anak ni Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel at An Waray Party-list Rep. Florencio ‘Bem’ Noel bilang miyembro ng Sangguniang Panlunsod at kapalit ng isang konehal na may sakit.

 

 

Ayon kay Lacson-Noel, ang pagkakatalaga sa kanyang anak na ngayon ay si Councilor Regino Federico ‘Nino’ Noel, ay nilagdaan ng Presidente noong August 2, 2021 at parehong ipinasa sa opisina ni Secretary Eduardo Año, ng Department of the Interior and Local Government (DILG), para sa pagpapatupad.

 

 

Pormal na ipinadala ni Año ang appointment paper na may petsang August 11, 2021 sa bagong miyembro ng konseho at inatasan siyang magsumite ng isang kopya ng kanyang panunumpa sa tanggapan ng Pangulo at DILG.

 

 

Inaasahang manunumpa si Konsehal Noel ngayong araw (Biyernes) kay Mayor Antolin ‘Lenlen’ Oreta III at sasaksihan ng presiding officer ng konseho na si Vice Mayor Bernard ‘Ninong’ dela Cruz, mga kasamahan at ng kanyang ipinagmamalaking magulang.

 

 

Ang batang Noel ay papalit kay Councilor Edwin Gregorio Dimagiba, isang veteran local legislator at dating Nationalist People’s Coalition (NPC) party-mate, na may problem sa puso.

 

 

Si Dimagiba ay malapit na kamag-anak ng mambabatas ng Malabon na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa Pangulo sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanyang anak na maglingkod sa mga residente bilang kasapi ng konseho ng lungsod.

 

 

“I and Congressman Bem were so thankful to President Duterte for appointing our son as newest member of Malabon Council. He has been active in the city even before his appointment and has been my companion especially during this pandemic in providing all forms of assistance to the city folks,” pahayag ni Lacson-Noel.

 

 

Ayon sa kanya, kasama sa mga adbokasiya ni Councilor Noel ang mental health, environmental protection, financial literacy pati na rin ang youth empowerment. (Richard Mesa)

Other News
  • Nationwide issuance ng 10-year drivers’ licenses nakatakda sa Disyembre

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nangako ang Land Transportation Office (LTO) na sisimulan na nito ang nationwide issuance ng drivers’ licenses na mayroong 10-year validity sa buwan ng Disyembre ngayong taon.   “By December 2021, the LTO commits that all its offices nationwide will be issuing licenses with a 10-year validity,” ayon kay […]

  • HERBERT, baka manggulat na lang dahil bali-balitang tatakbong Senador sa partido nina LACSON at SOTTO

    LAHAT ng mga politiko na nakaupo ngayon sa puwesto ay nagsisimula nang maghanda for the elections next year.       Alam na natin kung sino ang mga nag-aambisyon na maging president at maging vice president.     Pati ‘yung mga inaasahan na tatakbong president na kyemeng hindi raw pero nagkalat naman ang tarpaulin all over […]

  • Dagdag pang 600K driver’s license plastic cards, dumating na sa LTO

    TINIYAK ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza na makukumpleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45-araw.     Ito ay makaraang matanggap na rin ng LTO  ang 600,000 pang piraso ng plastic cards  na ginagamit sa pag-imprenta ng driver’s license cards.     Aniya, ang […]