• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Anak nina JOHN LLOYD at ELLEN, ‘di na tinatago at kampante na kay DEREK

KUNG gaano halos itinatago noon ang mukha ni Elias, ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa social media, ngayon  ay out na out na ito sa mga video ni Ellen.

 

 

Maging si Derek Ramsay ay nagpo-post ng video na kasama sina Ellen at anak nito. Nakahiga sila sa kama, nakagitna si Elias na pinaglalaruan ang mukha ni Derek. At may spider raw sa mukha ni Derek. Kaya kumanta pa ang huli ng Eensy Weenzy Spider.

 

 

At kitang-kita rin sa video na dumagan at yumakap si Elias kay Derek, evidence na very comfortable ito sa boyfriend ng ina.

 

 

Ang reply ni Ellen sa video na yun, “My boys my heart. I kennot.”

 

 

In fairness, ang daming nag-heart sign sa video. Ang daming naku-cutean kay Elias at nagsabing happy family at sweet daw.

 

 

Kung pagbabasehan ang mga video at pictures na pino-post nilang dalawa, mukhang live-in na nga ang set-up nila.

 

 

***

 

 

PANDEMIC man at hindi pa rin talaga nakakapag-face-to-face lalo na sa mga awards night, pero isa yata ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa maraming natatanggap na awards ngayon.

 

 

     Katulad na lang sa 5th Film Ambassadors Night (FAN 2021) ng Film Development Council of the Philippines at Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS)Hiyas ng Sining Aawards, parehong kinilala si Dingdong bilang recipients ng Cinemadvocate Award para sa ipinakita niyang malasakit sa mga displaced TV at film worker at maging sa mga stuntment sa panahon ng pandemya.

 

 

Ayon kay Dingdong sa naging virtual awards night, “Sobrang nakakataba po ng puso na makatanggap ng ganitong recognition. Na consider ko po itong trabahong ito and of course, His blessings as an opportunity to reach out to others, and help in transforming their lives.”

 

 

Bukod sa naunang parangal, si Dingdong din ang itinanghal ng GEMS sa Best Performance by an Actor (TV) para sa Descendants of the Sun.

 

 

***

 

 

MAY mga shippers na agad ang JulieVid tandem nina Julie Anne San Jose at David Licauco.   

 

 

Ramdam, lalo na ng mga fan ni Julie ang sincerity ni David.

 

 

Aminado kasi si David na kinakabahan talaga siya noong una, naiilang daw siya lalo pa nga’t Julie Anne San Jose na ito. Kuwento pa nga na nakarating sa amin, hindi halos makapagsalita si David kapag kaharap na si Julie.

 

 

Naku-kyutan naman daw ang mga staff dito kaya nagkaroon ng parang bonding session ang dalawa at doon na unti-unting na-relax si David.  Na-realize din nito kung gaano raw ka-humble at kakalog din si Julie.  Sa naging Kapuso Brigade Zoomustahan, tinanong ng fan si David kung ano ang masasabi nito sa leading lady.

 

 

Sey niya, “She’s very nice. As we all know maganda naman talaga si Julie and she’s very talented. But ang pinakahinangaan ko sa kanya is ‘yung mood n’ya at 8 a.m. is not different from ‘yung mood n’ya sa last scene. I think that says a lot about her na masipag talaga siya at gusto niya ‘yung ginagawa n’ya. Sinabi ko nga sa kanya ‘yun, e. Na parang ang galing at ‘di ko siya nakita ever na sumimangot.”

 

 

May kakaibang chemistry raw ang dalawa na siguradong makikita kapag ipinalabas na ang Heartful Café sa GTV. (ROSE GARCIA)

Other News
  • 2 malaking karera kakaripas ngayon

    MAY dalawang malaking karera ang itatakbo ngayong Linggo, Disyembre 13 sa pista ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.   Ang mga ito ay 2020 Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Lakambini Stakes Race at 2020 Juvenile Championship.   Pero dahil galit ang bayang karerista sa operasyon ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) sa mga patayaan nitong […]

  • Theater debut ni Marian, tuloy na sa upcoming virtual play na ‘Oedipus Rex’

    TULOY na ang theater debut ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, sa pamamagitan ng Tanghalang Ateneo’s upcoming virtual play, an adaptation ng classic na Oedipus Rex.    Ang production ay ipalalabas using the video app Zoom.   Ayon kay Marian, nagkaroon siya ng second thoughts nang i-offer ito sa kanya ni director Ron Capinding.       […]

  • Matapos ang serye ng rollback, presyo ng langis nakaamba na namang tumaas

    MAKALIPAS  ang halos dalawang buwan, nakatakda ang presyo ng langis para sa panibagong pagtaas, bago ang pagpapatuloy ng mga personal na klase at paghahanda para sa pagdagsa ng mga pasahero na inaasahan sa susunod na linggo.     Inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng P2.50 hanggang P2.80 kada litro sa susunod na linggo, habang […]