Ancajas alpas sa puntos vs Mexican, hari pa rin
- Published on April 13, 2021
- by @peoplesbalita
BINALEWALA ni Jerwin ‘Pretty Boy’ Ancajas ang may 16 na buwang pagkakaburo dulot ng Covid-19 para tatlong beses itumba si Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico sa eight round at hablutin ang unanimous decision upang mapanatili pa rin ang International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight Linggo sa Mohegan Sun Casino and Resort sa Uncasville, Connecticut.
Bumagsak sa nabanggit na banatan, pinagpagpag iyon ng 25-taong-gulang na Mehikano at naging matibay na wakasan ang 12-round bout na pinakamahirap ni Ancajas sapul noong 2016.
“This the hardest ,” habol ang paghingang namutawi sa 29-anyos Pinoy na ipinanganak sa Panabo, Davao del Norte sa ninth title defense at umasenso ang professional ring record sa 33-1-2 win-loss-draw na may 22 knockouts.
Dinale ni Ancajas ang score card ng tatlong Amerikanong sina Tony Paolillo, Tom Schreck at Don Trella na nagbigay ng 15-112, 116-111, at 117-110 para ibagsak sa 22-2-0 na may 16 Kos ang marka ng Mexican boxer.
Inagaw ng Davaoeño fighter ang titulo via UD victory rin kay Puerto Rican McJoe Arroyo ng Puerto Rico noong Setyembre 2016 sa Philippine Navy Gymnasium sa Taguig. (REC)
-
Bato, nag-sorry sa ABS-CBN
“Pasensya na po kung kayo ay nasaktan.” Ito ang pahayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa mga kawani ng ABS-CBN Corporation matapos niyang sabihin noong Martes na mas prayoridad niya ang kapakanan ng milyong Pinoy kaysa 11,000 kawani na mawawalan ng trabaho kung magsara ang naturang network. “Pasensya na po kung kayo ay […]
-
Ads July 13, 2024
-
DOTr: Sinimulan ang pag-aaral ng privatization ng EDSA busway; LTO maghihigpit sa overloading
SINIMULAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang paghingi ng mga insights mula sa pribadong sektor para sa planong privatization ng EDSA busway. Humingi ng mga feedback mula sa mga posibleng investors ang DOTr na gustong magtayo, mag-operate at mag-maintain ng transport projects sa ilalim ng public-private partnership (PPP) scheme ng pamahalaan. […]