• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANDREA, naniniwala na kailangang i-maintain ang ‘well-balanced and healthy lifestyle’; honored na napiling endorser ng Beautéderm

SA last quarter ng 2021, may pasabog na naman ang patuloy na nangunguna na Beautéderm Corporation at pinagsisigawan na ‘take charge of your health’.

 

 

Sa pamamagitan ito ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters, na isang essential line ng mga health supplements na ine-endorse ng newest ambassador na si Andrea Brillantes.

 

 

Isa si Andrea sa pinaka-accomplish na homegrown young actresses ng ABS-CBN at impressive ang kanyang body of work na kinabibilangan ng mga top-rating teleserye na tulad ng Annaliza, Pangako Sa ‘Yo, Kadenang Ginto, at ang katatapos lamang na inspirational, primetime drama na Huwag Kang Mangamba.

 

 

Kasama rin ang mga notable appearances sa mga pelikula gaya ng Crazy Beautiful You, Everyday I Love You, Banal, The Ghosting, The Mall, The Merrier, at sa action thriller na On The Job: The Missing 8.

 

 

“Tagahangga po ako ng Beautéderm na isang kumpanya na maraming natutulungan na tao,” sabi ni Andrea.

 

 

“Karamihan po sa mga kaibigan ay brand ambassadors ng Beautéderm and it is such a dream come true for me now that I am officially part of the family. A well-balanced and healthy lifestyle are very important to maintain nowadays at honored ako na napili ako ni Ms. Rei para i-represent ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters.

 

 

“With REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters, I am able to take charge of my health confidently as these essential supplements are providing me with the energy and extra protection every day. Excited po ako i-share ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters sa lahat.”

 

 

Ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ay binubuo ng pitong FDA-notified at all-natural health supplements na kinabibilangan ng KENZEN Bacopa Monniera + Centella Asiatica (Memory Booster) MeMax, na mayroong Phosphatidylserine, Bacopa Monniera, Centella Asiatica, at Lutein at pati na rin ng Silicone Dioxide Starch, Stearic Acid, at Calcium – na kilala sa kakayanan nitong mag-boost ng brain function, mag-enhance ng memory function, at mag-prevent ng memory loss; KENZEN BioDopa + Rosemary (Energy Booster) VivaGen, na mayroong Mucuna Pruriens extracts, Rosemary, at Maca and Guarana extracts – na tumutulong sa pagpapababa ng stress at sa pag-maintain ng physical at psychological vitality; KENZEN Vitamin C + Zinc (Immunity Booster) Z Plus – na mayroong Vitamin C o ascorbic acid at pati na rin ng Zinc na mahalaga sa growth, development, at repair ng lahat ng mga body tissues; REIKO Valeriana Officinalis + L-theanine (Sleep Enhancer) SomNest, Valeriana Officinalis extracts, 98% L-theanine, at GABA (Gamma Aminobutyric Acid) na lahat ay mainam para sa insomnia; REIKO Vitamin D + Grape Seed (Sun Protection Enhancer) PrestoSol, na mayroong Vitamin D, Grape Seed extracts, Amla extracts, at Rosemary extracts; REIKO Coffee Bean + Salacaia (Diet Enhancer) Slimaxine mayroong Coffee Bean extracts, Salacia extracts, at Ginger extracts; at REIKO Andrographis + Ginger (Digestion Enchancer) Fitox, na mayroong Andrographis at Ginger Plus Curcumin na nagpipigil sa mga flu viruses na kumapit sa cells ng katawan at isa ring natural appetite suppressant habang kinokontrol ang sugar levels respectively.

 

 

Ang lahat ng ito ay masusing pinormula upang makapagbigay ng pang-araw araw na optimum wellness na tumutulong palakasin ang overall wellbeing ng bawat tao lalo na ngayon kung saan ang maayos na pamumuhay ay binibigyang kahulugan ng isang holistically sound physical, emotional, at mental conditions.

 

 

Karapat-dapat ding banggitin na ang launch ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ay bahagi ng on-going 12th anniversary celebration ng Beautéderm na nagsimula noong Agosto 2021 at kasabay rin nito ang pagdiriwang ng kaarawan ng President and CEO ng kumpanya na si Rhea Anicoche-Tan ngayong Nobyembre.

 

 

“My team and I have been working on REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters for over a year now at ang aking plano ay mai-launch ito in time for the 12th anniversary of the company at ng birthday ko na rin,” sabi ni Rhea.

 

 

“Maraming naituro ang pandemic sa atin, that we should be grateful for all the many blessings God continues to shower to all of us, na mahalaga ang pamilya, at dapat nating alagaan ang ating kalusugan.

 

 

“We need to boost our immune system and take care of not just of our bodies but also our minds as well. Ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ang aking maliit na contribution para siguraduhin ko na nasa tamang kalusugan ang lahat. I welcome Andrea to the family as she is an amazing addition to the gang.

 

 

“Sang-ayon ako sa kanya na kailangan nating i-maintain ang isang balanced at healthy na lifestyle. Ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ay para sa lahat at sa wakas, matapos ang aming hard work, nandito na ito!”

 

 

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters at kapana-panabik na updates kay Andrea Brillantes at sa Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at TikTok; at @beautedermcorp sa Twitter; i-like ang Beautéderm sa Facebook; at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Meralco pinatawan ng P19-M multa ng ERC

    Pinatawan ng P19-milyong multa ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) matapos umano nitong labagin ang ilang direktiba ng ahensya sa gitna ng pandemya.   Kabilang dito ang bigong paglilinaw sa mga customer na batay sa estimation ang electric bils, at hindi pagsunod sa mandatong installment payment agreement.   Ayon kay ERC […]

  • Mahigit isang bilyong halaga ng subsidiya, naipamahagi na ng LTFRB sa mga tsuper at operators

    UMABOT na sa mahigit isang bilyong piso ang naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ayuda para sa mga tsuper at operators sa ilalim ng fuel subsidy program.     Batay sa datos ng LTFRB, sumampa na sa P1,089,176,500 ang kabuuang halaga ng fuel subsidy na naibigay sa mga tsuper at operators […]

  • Pagtatalaga ni PDu30 sa mga dating military officials sa cabinet posts, walang masama-Sec. Roque

    WALANG masama kung magdesisyon man si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtalaga ng mga retiradong military officers sa Cabinet posts.   Kung tutuusin ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay naipapakita ng mga ex-military officials ang kanilang disiplina sa gabinete.   “Wala namang masama roon. Tignan mo naman si General Galvez, iyong discipline niya as […]