ANDREW, palaban at walang uurungan sa mga kakaibang roles; dream project na makagawa ng BL series
- Published on February 3, 2021
- by @peoplesbalita
DREAM project pala ng Kapuso actor na si Andrew Gan na makagawa ng BL o Boys’ Love series bago pa ito sumikat dahil malaking challenge ito sa para sa kanya.
At mukhang dininig na ang pinag-pray niya dahil dumating na ang inaasam-asam na project sa pagkakapili sa kanya na maging lead sa BL series na Limited Edition.
Sa naturang serye, makaka-partner niya si Jomari Angeles at kasama rin si Ron Angeles at mga premyadong aktres, na mula sa direksyon ni Jill Singson na soon ay mapapanood sa YouTube channel ng Bragais TV.
Sa pagkukuwento ni Andrew sa kanyang gagampanan, “ang role ko po is si Jethro. Goal driven, successful siya sa work, heartthrob, nasa kanya na lahat, then nagbakasyon siya sa Pilipinas from New york.
“Hindi siya masaya sa life kahit nasa kanya lahat, until ma–meet niya si Mario(Jomari Angeles). Isang probinsyano na hindi masyado kagwapuhan. At magugustuhan niya at muling nagseryoso. Nasaktan na kasi siya before kaya ‘di na muli nagmahal.”
Game at ready naman si Andrew sa hubaran kung kakailanganin sa eksena, wala raw siyang uurungan dahil palaban talaga ang aktor sa ano mang roles na nakukuha niya.
Pero sa tingin niya, magiging proud siya sa series na ito, na hindi lang basta hubaran, dahil maipagmamalaki nila ang kakaibang story ng pagmamahalan ng two guys na sesentro talaga sa feelings.
So far, ang pinaka-daring na nagawa niya ay nag-crossdress siya sa ‘Mga Batang Poz’ na mas matindi pa raw ang gagawin niya sa Season 2, kaya kailangan niya itong paghandaan, hindi lang emotionally, pati ang pagpapa-slim.
Patapos na rin ang shoot ng romcom movie na Crazy In Love With You with Claire Ruiz and Miko Raval. Malapit na uli siyang mapanood sa isang Kapuso series.
Bukod sa pagiging aktor, business minded din si Andrew, kahit naapektuhan siya ng pandemic, muli niyang binuksan ang Releaf Massage and Nail Spa.
Dahil mahusay siya magluto, dahil graduate siya ng Culinary, abala rin siya sa online selling ng putahe sa kanyang Kusina Express by Drew. (ROHN ROMULO)
-
5 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela
ISINELDA ang limang katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 7 Commander P/Capt. Arnold San Juan ang mga naarestong suspek bilang sina Jr Bungadelyo, 28, construction worker, Gary Jose, 40, helper, Jestoni Ebrada, 36, helper, Johnrod Tolentino, 31, cook […]
-
Ads January 28, 2021
-
₱6-B UP-PGH Cancer Center Project
MAY basbas na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang pagtatayo ng P6-billion cancer center sa University of the Philippines (UP)-Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila. Ito’y matapos na pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., NEDA Board chair ang 3rd NEDA Board Meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes. […]