• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Ang sining ay inklusibo, nauukol sa lahat ng tao” – NCCA Chairman Lizaso

LUNGSOD NG MALOLOS- “Ang sining ay hindi eksklusibo para sa ibang tao. Ang sining ay inklusibo. Kasama dito ang lahat. Para dapat ito sa lahat: sa tindera sa palengke, sa nagmamaneho ng tricycle, sa mga estudyante, sa mga opisyal ng pamahalaan. Nauukol ito sa lahat ng tao mula sa lahat ng antas ng buhay.”

 

Ito ang mensahe ng Pangulo ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at Tagapangulo ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Arsenio “Nick” J. Lizaso sa lahat ng pinarangalan at dumalo sa “2020 Parangal sa Kislap ng Sining” na ginanap sa Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Sentrong Pangkultura sa lungsod na ito.

 

Ikinuwento ni Lizaso kung paanong nilalapit ng CCP ang sining sa mga Pilipino sa lahat ng bahagi ng bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga konsiyerto kasama ang Philippine Philharmonic Orchestra, Bayanihan Dance Company, Philippine Madrigal Singers at UST Symphony Orchestra.

 

Samantala, pinasalamatan at binati ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga pinarangalan ng Kislap ng Sining sa kanyang mensahe na ipinahayag ng kanyang Chief of Staff Atty. Jayric Amil sa kanilang pagsusulong at walang kamatayang pagmamahal sa sining at kalinangan ng lalawigan.

 

“Mula noon, hanggang ngayon, ang mayamang sining ang saksi sa bunga ng lahat ng pagsubok, tagumpay at kabiguan ng ating bansang matagal nakipagdigma para sa ating demokrasya. Bilang mga tagapagmana nito, nasa ating kamay ang hamon at pananagutan na panatilihin ang kislap, dangal at katanyagan ng Sining ng Bulacan upang maipasa sa marami pang henerasyong susunod sa atin,” anang gobernador.

 

Kabilang sa mga pinarangalan ng 2020 Kislap ng Sining sa Bulacan sina Niño Angelo A. Campo mula sa Marilao para sa Literatura; Albert S. Aguilar mula sa Hagonoy para sa Musika; Crisanto B. Aquino mula sa Hagonoy para sa Pelikula; Marcelo H. Del Pilar Memorial School ng Bulakan para sa Dulaan at Literatura; at ang FCPC Baliktanaw at Kenyo Street Fam mula sa Lungsod ng San Jose del Monte para sa Sayaw.

 

Gayundin, kinilala ang mga bayan ng Guiguinto, Baliwag at Hagonoy at ang Lungsod ng San Jose del Monte bilang Natatanging Lokal na Pamahalaan para sa kanilang pagpapayaman ng sining at kalinangan ng kani-kanilang nasasakupan.

 

Kinikilala ng Kislap ng Sining sa Bulacan, na inisyatibo ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office, ang natatanging talento ng mga artistang Bulakenyo sa iba’t ibang larangan ng sining at kultura. Nagbibigay parangal ito sa mga Bulakenyong nagwagi ng nasyunal at internasyunal na pagkilala, at sa mga Bulakenyong tumanggap ng parangal sa iba’t ibang larangan ng sining. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Balik-tambalan, ‘gift’ nila sa mga fans at supporters: MAJA, inaming si RK lang ang naisip na maging partner sa ‘Oh My Korona’

    NGAYONG Sabado, Agosto 6 mapapanood na isang kakaibang sitcom na magpapakita ng mga kuwelang eksena sa buhay ng mga showbiz hopefuls na nakatira sa ilalim ng iisang bubong.     Inihahandog ito ng Cignal Entertainment at Crown Artist Management, ang Oh My Korona na pinagbibidahan ng versatile actress at Majestic Superstar ng TV5 na si […]

  • Ads December 10, 2020

  • ‘Spider-Man: No Way Home’ Cracks Open The Multiverse In New International Poster

    A new international poster showcasing the shattering of the multiverse in Spider-Man: No Way Home and once again stars Tom Holland as the titular hero in his third solo MCU outing.     The film debuted last month and has unsurprisingly become a box office sensation.     Spider-Man: No Way Home picks up after the events of Spider-Man: Far From Home, […]