ANGEL, ‘di pinatulan ang mga bashers dahil totoo naman na mataba siya; nagsimulang mag-diet para sa kalusugan
- Published on July 16, 2021
- by @peoplesbalita
ISA ang actress-TV host na si Angel Locsin ang nakaranas ng body shaming na talaga namang nilait ng mga bashers sa social media.
Nag-viral pa ang mga kuhang litrato sa taping ng public service program niyang Iba Yan na umabot ng isang taon, pero never talagang pinatulan ni Angel at pinagpatuloy lang ang pagtulong sa mga labis na nangangailangan sa panahon ng pandemya.
Sa naging panayam ni Angel sa YouTube channel na ‘Over A Glass or Two’, unang naitanong ang kanyang weight loss journey na maraming pinahanga.
Sabi niya sa naging dahilan ng ginawa niya, “For my health talaga. For my health lang talaga.”
Kuwento pa ng aktres na ‘di nabawasan ang ganda kahit tumaba, “Nakikita natin yung blood pressure natin. So, yung sa akin mataas, mataas siya.
“Kaya kailangan ko siyang pagtuunan ng pansin. It’s not really for vanity. Siguro bonus na lang din ‘yon.
“Pero hinahabol natin yung importante, yung health, di ba? Alagaan natin sarili natin,” sabi pa niya.
Payo pa ni Angel sa gustong magpapayat tulad ng ginawa niya, “Sa mga gustong mag-diet, gawin niyo para sa sarili niyo, hindi para sa ibang tao, ha? Para sa inyo.
“Kasi, kahit anumang weight natin, kahit anong hitsura natin, you’re perfect, you’re you, you’re unique. Own it.”
Kasunod nito ay sinabi niya ang dahilan kung bakit hindi siya pumapatol sa kabila ng matinding panlalait sa kanya.
“Totoo nga, ‘no? Ang dami nilang opinyon tungkol sa sarili ko. I cannot control how other people think, pero hindi yun sukatan kung mababawasan yung pagmamahal ko sa sarili ko.
“Buti na lang mahal ko ang sarili ko at nirerespeto ko ang sarili ko, dahil ang katawan na ito ay maraming pinagdaanan.
“Maraming na-achieve din naman at marami pa akong maa-achieve. So, kung wala ang katawang ito, wala si Angel Locsin.
“Wala ako dito. Wala akong kabuhayan. So, really grateful.”
Dagdag pa ng Kapamilya star na malapit nang maging Mrs. Neil Arce, “Tanggap ko, I’m a work in progress. Alam ko naman ‘yun. Maganda ‘yun because there is room for improvement.
“We are human. Tao din naman tayo, hindi naman tayo yung mga nasa Magazine na ang tingin sa atin ng society na perfect at maganda.”
Kaya nga kahit ang dami niyang bashers nang lumubo ang kanyang katawan, deadma lang talaga siya.
“Hindi ako nagsasalita kasi, parang ano ang sasabihin ko, iyon yung opinyon nila sa sarili ko? Totoo naman, mataba naman talaga ako.
“Pero ‘di naman masusukat nu’n kung sino ako,” opinyon pa ng real life Darna.
***
SAMANTALA, panay ang throwback posts ngayon ni Angel Locsin sa kanyang Instagram account.
Isa nga yun ang pinost niya kasama ang super bagets pa na si Matteo Guidicelli na hawig sa Hollywood star, na kung saan cover sila ng Gadgets Magazine, nilagyan niya ito ng caption, “Initial D days with pre-artista @matteog. Mabait na talaga siya nuon pa man (prayers emoji).”
Sa isa pang photo ads na para sa anime series na Initial D: The Fourth Stage na pinalabas sa Animax noong 2005, na kung saan sila ang nag-dub ng Tagalog version ng show.
That time Kapuso pa si Angel at tinanghal na PH Sexiest Sexiest Woman 2005 ng FHM, habang si Matteo ay nakilala bilang 2004 Karter of the Year.
Nakaaaliw din ang captionni Angel para kay Matteo, “Baby ka pa dito @matteog. Ngayon, pwede ng mag-baby with @justsarahgph.”
Mukhang close talaga sina Angel at Matteo, at sa araw na ito, July 16, guest siya sa podcast ni Matteo na ‘Matt Runs’ na kung saan pag-uusapan nila ang kanyang buhay, sa pagsisimula sa pag-aartista at kanyang advocacy na makatulong lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Streaming ang ‘Matt Runs Podcast’ sa Spotify at YouTube.
(ROHN ROMULO)
-
LRT 1 Cavite Extension matatapos sa 2031
ISANG opisyal ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang operator ng Light Rail Transit Line 1, ang nagsabing sa taong 2031 pa matatapos ang Transit Line 1 (LRT1) Cavite Extension. “For Phase 2 and 3, we are having meeting with the Department of Transportation (DOTr) to be able to commence the construction. […]
-
15 sabungero arestado sa tupada sa Caloocan at Malabon
Labing-limang katao ang arestado matapos ang isinagawang magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon cities. Kinilala ang naarestong mga suspek na si Francis Iquiran, 26, collector/kasador, Romeo Rioflorido, 44, Jojo Palogan, 48, Deolng Manggaporo, 48, Eduardo Cabillo, 26, Domingo Kionisala, 46, Jesus Delavin, 55, Raquel Cirera, 65, Rolando Verso, 46, […]
-
Ads June 26, 2021