• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANGEL, tuturuan ng tamang paraan ni MARIAN after makita ang post ng ‘epic fail’ na pagluluto ng spaghetti

NAGABOT pa sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Angel Locsin sa GMA Network, bago ito lumipat sa ABS-CBN.

 

 

Pero nanatili ang friendship nila, kahit hindi naman sila madalas nagkikita, dahil may social media naman.

 

 

Kaya nga nakita ni Marian ang IG story ni Angel, na nag-aral palang magluto ng spaghetti para sa hubby niyang si Neil Arce.  Pero hindi naging successful si Angel sa timpla ng sauce niya dahil maasim daw ito.

 

 

Kaya nag-message si Marian kay Angel na tuturuan niyang magluto ng spaghetti si Angel.   Sagot ni Angel, “Please Marian, parang awa mo na!”  Sabi naman ni Marian, “sige, sabihin mo lang kung kailan, tuturuan kita.”

 

 

***

 

 

STARTING today, October 11, finale week na ng May-September love story na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.

 

 

Ang first teleserye ni Beauty Gonzalez bilang Kapuso, na everyday ay nakakakuha ng mataas na rating sa GMA afternoon prime.

 

 

Nag-click nga ang tambalan nina Beauty at young actor na si Kelvin Miranda, at kahit May-December affair ang story nila, nagustuhan ito ng mga netizens.

 

 

Kaya naman may request sila kay Direk Adolf Alix at sa GMA na sana ay magkaroon ito ng book 2, magpapasalamat daw sila kapag pinagbigyan sila ng GMA.

 

 

Ang pinakahihintay ngayon ng mga netizens, kung paano maso-solve ang problema nina Bridgette (Beauty) at Marcus (Kelvin) at maging sila na ang forever.

 

 

Napapanood ang serye pagkatapos ng Nagbabagang Luha.

 

 

***

 

 

MAHIRAP daw palang kaeksena ang mahusay na actress-director na si Gina Alajar, pero ang gandang panoorin na kasama siya ng mga mahuhusay ding artista,  comments ng netizens sa nag-trending na eksena ng Nagbabagang Luha. 

 

 

Tinaon pa ng GMA-7 na ipalabas noong Saturday after Eat Bulaga,  ang eksenang nabuko na ang pagsisinungaling ni Cielo (Claire Castro) na buntis siya, kaya tinutukan ito ng mga viewers.

 

 

Ang eksena ay baby shower ni Cielo sa anak daw nila ni Alex (Rayver Cruz) pero nalaman na ng Ate Maita (Glaiza de Castro) niya ang totoo kaya kahit anong pagsisinungaling ni Cielo ay buko na siya at nalaman na rin ni Calida (Gina) at Alex.

 

 

Gulat ang mga kaeksena ni Calida sa tuhog na eksena nang bigla niyang sampalin at hilahin si Cielo at ingudngod sa isang red cake.

 

 

Parang hindi kasi sila handa sa magaganap na eksena at kita ang gulat sa mga faces nina Glaiza, Rayver, Mrytle Sarrosa at Mike Tan.

 

 

Nag-post si assistant director Barry Barrientos na wala raw double si Claire napaka-professional ng young actress sa paggawa ng eksena.

 

 

Ang netizens, galit man sa character ni Cielo, ay pinuri naman nila dahil nakaya niyang makipagsabayan sa acting ng mga kasama niya.  Si Claire ay anak ng mga dating Kapuso stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva.

 

 

Last two weeks na lamang ang Nagbabagang Luha at aabangan pa raw ng netizens kung magpapatalo na si Cielo sa pagiging obsessed niya kay Alex.

 

 

At patatawarin pa ba siya ni Maita?

(NORA V. CALDERON)    

Other News
  • P5.768 trillion 2024 national budget, pirmado na ni PBBM

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial signing ng P5.768-trillion 2024 national budget, araw ng Miyerkules, nanawagan sa mga ahensiya na isagawa ang expenditure program na naaayon sa batas at kilalanin ang mga taxpayers na naging dahilan kung bakit naging posible ang budget para sa susunod na taon.     Sa nasabing event, […]

  • 2 HOLDAPER, TIMBOG SA MPD

    BINITBIT ng Manila Police ang dalawang hinihinalang holdaper nang maaresto matapos na nambiktima sa isang service crew ng Mang Inasal sa Paco, Maynila kamakalawa ng hapon.     Kasong Robbery (Hold-up) sa ilalim ng Art. 293 of the RPC, R.A. 10591 (Comprehensive Firearms Law and Ammunitions Law) at llegal Possession of Deadly Weapon ang isinampa […]

  • Holdaper na wanted sa Valenzuela, natunton sa Antipolo

    NATUNTON ng tumutugis na mga tauhan ng Valenzuela City police sa Antipolo City Jail ang kilabot na holdaper na kabilang sa “Most Wanted Person” ng Northern Police District (NPD), Sabado ng hapon. Ani Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na naaresto ng Antipolo Police ang 44-anyos na si alyas “ Mando” dahil […]