• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANGELICA, desidido na talagang mag-retire sa paggawa ng teleserye; focus na lang sa movie at lovelife

DESIDIDO na ang 33-year-old actress na si Angelica Panganiban na mag-retire na siya sa paggawa ng teleserye.

 

 

Noon pang September 2020 unang sinabi ang bagay na ito ni Angelica at inulit niya muli ngayon.

 

 

     “Hindi iyon overnight decision,” sabi ni Angelica sa isang interview.

 

 

“Ilang taon ko rin iyong pinag-isipan. Noon ko pa tinatanong ang sarili ko, bakit ko pa ginagawa at pinapagod ang sarili ko? Naisip ko na six years old pa lamang ako, pinapagod ko na ang sarili ko, kaya natanong ko rin ang sarili ko, kelan ka titigil?”

 

 

Napakarami na ring nagawang TV shows and teleseryes si Angelica kaya siguro napapagod na rin siya.

 

 

“Hindi naman sa nawawalan na ako ng gana, kaya lang pwedeng dumating na rin ako dun sa oras na hindi ko na gusto ang ginagawa ko, at iisipin ng mga manonood na nilalaro ko na lamang ang character ko kasi ayaw ko na. 

 

 

Siguro ngayon, naibigay ko na ang 100 percent ng kaya kong gawin sa  mga teleserye, sa bawat character na gampanan ko. Kaya ibibigay ko na sa mga susunod na artista sa akin ang mga nagawa ko nang roles.”

 

 

Sa ngayon, gusto raw ni Angelica na gumawa na lamang ng movies, tulad ng ginawa niya with Coco Martin, ang Love or Money.

 

 

Hindi kaya gusto na ring mag-concentrate ni Angelica sa kanyang lovelife, sa non-showbiz boyfriend niyang si Gregg Homan, a businessman from Subic, Zambales?

 

 

***

 

 

KASUNDO lahat ni Gabby Concepcion ang cast ng romantic-comedy series na First Yaya, simula pa sa lock-in taping nila ng serye sa San Fernando, La Union.

 

 

At lalo niyang kasundo ang first time na leading lady na si Sanya Lopez.

 

 

Bukod sa naging solid ang samahan ng buong cast ng serye, nakita ni Gabby kay Sanya na madali itong pakisamahan at hindi naging mahirap ang adjustment niya para sa role, na isa ngang yaya ang actress.

 

 

“Mapagmahal siya sa kapwa, madali siyang barkadahin. At saka marami  siya laging dalang pagkain sa set.

 

 

Nakakatuwang walang member ng cast na hindi ko kasundo, walang negative sa set namin, okay lahat.”

 

 

Ang gusto naman ng cast kay Gabby, “mahilig siyang magluto, lagi niya kaming tatanungin, ano ang gusto naming kainin, tapos magluluto na siya. Masarap siayng magluto, mahilig siyang mag-imbento ng lulutuin.”

 

 

Hindi na maiinip ang mga televiewers dahil mapapanood na simula sa March 15, ang First Yaya na may world premiere na sa GMA Telebabad, GMA-7.

 

 

***

 

 

INIP na ang mga fans at supporters ng bagong magka-love team na sina Julie Anne San Jose at David Licauco ng upcoming GTV series na Heartful Cafe, kaso next month pa pala, sa April, ang simula nito.

 

 

Feel daw ng mga fans na papatok ang team-up nila kaya tuwing may socmed post sila, lalo na iyong mga behind-the-scenes, napupuno ito ng magagandang comments.

 

 

At excited na raw silang mapanood sa kanilang TV screen ang ‘JulieVid.’ May chemistry raw ang dalawa at hindi ito maikakaila kahit sa mga photos pa lamang nila.

 

 

“She’s very nice, very talented,” sabi ni David.

 

 

“Hangang-hanga ako sa kanyang mood na from 8 AM hanggang sa last scene, ganoon pa rin siya, di ko siya nakita ever na sumimangot.” (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ekstensyon ng travel restrictions sa 7 bansa, pinalawig ng IATF

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ekstensyon ng travel restrictions sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang Hulyo 31, 2021   Partikular na nilagdaan ang IATF Resolution No. 126.   Inatasan din ng IATF technical working group na muling pag-aralan at magbigay sa mga rekomendasyon sa […]

  • Mga rehiyon na may mataas na Covid-19 vaccine coverage dapat na tutukan ang pagbibigay ng booster shots —Galvez

    KAILANGANG tutukan ng mga rehiyon na may mataas na COVID-19 vaccine coverage ang pagbibigay ng booster shots.     Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na 12 mula sa 17 rehiyon ng bansa ay maaari nang ikunsidera na mayroong mataas […]

  • EJ balik-training sa Oktubre

    “Vitaly said this is going to be my last time going here before Paris. He already planned the things we need to do,” sabi ni O­biena sa kanyang courtesy call kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Noli Eala.     Huling narito sa bansa ang Pinoy pole vaulter ay noong 2019 kung saan niya dinomina […]