• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANGELINE, nagiging emosyonal pero nag-let go na dahil mas peaceful na ang namayapang ina

NAGING emotional si Angeline Quinto nang sariwain ang alaala ng kanyang namayapang ina sa contract signing cum presscon ng kanyang bagong endorsement na Ayesha Beauty Products noong Biyernes ng hapon sa Romulo’s Café.

 

 

Aminado si Angeline na masyadong siyang naapektuhan sa pagkamatay ng kanyang ina.

 

 

“Pero sinabi ko kay Mama na tapos na ang mission niya rito sa mundo at iyon ay to make sure na maayos na ako. Mas peaceful na si Mama kung nasaan man siya ngayon kaya nag-let go na ako,” wika ng singer.

 

 

Very thankful si Angeline kina Mr. Michael Agmata at Ms. Armie Rosale Agmata sa tiwalang ibinigay sa kanya para maging first endorser ng Ayesha Beauty Products.

 

 

Dahil sa inspirasyong dulot ng awiting “Patuloy ang Pangarap” ni Angeline kaya lalong nagsumikap si Ms. Armie, ang CEO ng Ayesha Beauty Products, na itaguyod ang kanyang negosyo ng pagbebenta ng produktong pampaganda.

 

 

“Nag-umpisa rin ako sa hirap at marami ang pinagdaanan sa buhay tulad ni Angeline  pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pangarap ko at hindi nakinig sa mga negative na binabato sa akin.

 

 

Naging inspirasyon ko talaga ang kanta niya kaya masaya ako na siya ang first endorser naming dahil ang kwento niya mismo ay sumasalamin sa naging journey ko sa pagtataguyod ng Ayesha,” sabi ni Ms. Armie.

 

 

Overwhelmed naman si Angeline na siya ang napili at pinagkatiwalaan ng ABP Corp. Na-touch din ang singer-actress sa naging papel ng awitin niya sa buhay ni Ms. Armie.

 

 

“Masaya ako siyempre sa endorsement na ibinigay sa akin pero iba pa rin ‘yung fulfillment noong malaman ko na may naantig sa kanta ko. Bilang singer iyon talaga ang gusto naming, ‘yung maka-connect sa puso ng mga nakikinig sa amin.

 

 

‘Yung kay Ms. Armie, higit pa roon kasi naging motivation para iangat ang buhay niya at makatulong pa sa ibang tao,” paliwanang ni Angeline.

 

 

“Sobrang relate ako sa kwento ni Ms. Armie kaya masaya ako na maging bahagi ng Ayesha family dahil talagang pinaghirapan at dugo’t pawis ang puhunan nila para maitatag ito. Bukod sa epektibo ang kanilang produkto, may puso sila para maglingkod at talagang bukal sa kalooban nila na mapaganda ang kababaihan o maging mga kalalakihan,” dagdag ni Angeline.

 

 

Ipinagmamalaki ng Ayesha ang kanilang rejuvenating kit na mabibili lang sa halagang P250. May laman itong Kojic soap, rejuvenating cream at toner, collagen with elastin cream at sunblock gel cream.

 

 

Nawala man ang kanyang ina, nakahanap naman si Angeline ng bagong pamilya sa Ayesha Beauty Products.

 

 

***

 

 

TYPE ni Gab Lagman ng gumawa ng isang super hero movie.

 

 

With his height and built, pwedeng-pwede nga na gumanap na super hero ang mainstay ng Init sa Magdamag.

 

 

“Sa tingin ko we need a super hero movie at this time to inspire hope sa mga tao,” pahayag ni Gab.

 

 

Given a choice, sabi ni Gab gusto niyang gampanan ang role ni Captain Barbell. Ito ang kanyang top choice. Isa pang role na gustong gawin ay Lastikman.

 

 

Sabagay, mahilig naman sa challenges si Gab. His role as Kiko sa Init sa Magdamag is something new for him. Exact opposite daw ito ng kanyang personality.

 

 

Although, initially ay nagkaroon siya ng hesitation to do play Kiko, naisip niya na mas magandang harapin niya ang challenge of doing a role na malayo sa kanyang real self.

 

 

     “At first, I really questioned myself kung kakayanin ko ba ang role offered to me. Mabigat ito kumpara sa role ko sa Halik. But I am glad that I accepted it. Besides, malaki ang tulong na naibibigay sa akin ni Alexa in doing my role,” sabi pa ni Gab.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • ‘No-mask Christmas’ posibleng makamit – Palasyo

    Naniniwala ng ilang mga eksperto na kayang makamit ng bansa ang tinatawag ng “no-mask Christmas” kapag malaking bahagi ng populasyon ng bansa ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.     Sinabi ni OCTA Research member at University of Santo Tomas biological sciences professor Father Nicanor Austriaco, kailangan ng bansa ng 33 milyon doses […]

  • WATCH THE YOUNG LOVE STORY OF TIMOTHÉE CHALAMET AND ZENDAYA’S PAUL AND CHANI IN THE NEW TRAILER FOR THE ACTION-PACKED WORLD OF “DUNE: PART TWO”

    YOU are not prepared for what is to come. Watch the new trailer for “Dune: Part Two,” the highly anticipated follow-up to Denis Villeneuve’s six-time Oscar-winning “Dune,” from Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures.  The war epic action movie, featuring a star-studded cast that includes Timothée Chalamet, Zendaya, Rebecca Ferguson, Josh Brolin, Austin Butler, Florence […]

  • WARNER BROS. PICTURES TO RELEASE “THE WANDERING EARTH II” EXCLUSIVELY IN PH CINEMAS

    FOUR years after the worldwide box-office success of the 2019 futuristic blockbuster “The Wandering Earth” comes the prequel “The Wandering Earth II,” to be released by Warner Bros. Pictures exclusively in cinemas in the Philippines on May 31.      Watch the prequel’s trailer here: https://youtu.be/ZCuE5HntgeM     “The Wandering Earth II,” released in China […]