ANJO, na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic
- Published on August 17, 2021
- by @peoplesbalita
KINUWENTO ng Kapuso hunk na si Anjo Damiles na na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic.
Ayon kay Anjo: “Ang hirap i-explain when it comes to mental health… suddenly it breaks you down. May point ako na nag-snap na lang po ako. Nawala ako sa tamang pag-iisip and it was sad to see na ganun.”
June 2020 noong makaranas ng mental health disorder si Anjo at sa tulong ng kanyang pamilya, psychiatrist, gamot at pananalig niya sa Diyos, unti-unting naging maayos ang pakiramdam niya.
“Naiiyak ako. Kasi ang hirap niyang i-explain, ang hirap niyang ikuwento. I never told this to anyone. Look up and pray. Always be thankful for what you have, for what is given to you,” sey pa niya.
May kinalaman daw ang biglang pagtigil niya sa trabaho pero nagpasalamat ang aktor dahil biglang dumating last year ang First Yaya kaya muli siyang nabuhayan sa kanyang career.
Nagsimula rin daw siya ng sariling food business at naging abala na rin siya sa online games para parati raw busy ang utak niya.
Payo pa ni Anjo sa mga dumaraan sa menth health disorder ay huwag kalimutan na ngumiti at maging masaya kahit madilim ang hinaharap ng buhay. Nakiusap naman siyang huwag husgahan ang mga taong nakararanas ng depression at anxiety. Mas makabubuti na tumulong at makinig sa mga taong may pinagdadaanang problema.
Napapanood rin si Anjo sa Daig Kayo Ng Lola Ko four-part series na Captain Barbie with Barbie Forteza and Jeric Gonzales.
(RUEL MENDOZA)
-
Voter’s registration pinalawig ng 2 oras, kahit holiday pwede na rin – Comelec
Pinalawig pa ng dalawang oras ng Commission on Elections (Comelec) ang schedule ng voter registration bilang paghahanda sa national at local elections sa 2022. Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mula Martes hanggang Sabado bukas ang mga opisina ng Election Officers sa buong bansa para tumanggap ng mga magpapa-rehistrong botante. Alas-8:00 […]
-
Djokovic, nagpositibo sa coronavirus
Nagpositibo sa coronavirus si tennis world number one Novak Djokovic. Siya ang pinakahuling tennis player na nagpositibo sa nasabing virus kasunod nina Borna Coric, Grigor Dimitrov at Viktor Troicki. Ang 33-anyos na si Djokovic ay siyang huling nakalaro ng kapwa Serbian player na si Troiki sa unang event ng Adria Tour competition sa […]
-
Naka-support pa rin at ipinagmamalaki… JAKE, inamin sa IG post na totoong hiwalay na sila ni KYLIE
TINAPOS na nga ni Jake Cuenca ang pinag-uusapan na break-up nila ng beauty queen turned actress si Kylie Versoza. Sa kanyang Instagram post, inamin na nga ni Jake na totoong hiwalay na sila ni Kylie. Kasama ang dalawang photos, una rito ang miniature nila ni Kylie kasama ang two pet dogs […]