• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANYARE RFID!

Perwisyo at pasakit ang dinulot sa mga motorista sa unang araw pa lang ng “One Hundred Percent RFID” campaign sa mga tollways.  Madaling araw pa lang, ilang kilometro na ang traffic papasok at palabas sa mga tollways.

 

Sa report ng media ay umabot sa limang kilometro ang haba ng linya ng traffic sa NLEX at ganun din sa ibang tollgates.  Umusok sa galit ang mga motorista sa social media.  Anyare ba kase?  Sabi noon ng DOTr ay sapat na ang binigay nilang deadline hanggang December 1, 2020 sa mga motorista kaya wala nang cash lanes na bubuksan pero dahil sa perwisyo ay nagbukas pa rin ng cash lanes para umusad nga ang kalbaryong traffic.

 

Heto ang sinabi naming sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) noon pa – na maglagay pa rin ng cash lanes hangga’t hindi naaayos ang NAPAKARAMING PROBLEMA SA RFID TULAD NA LANG NG WALANG INTER-OPERABILITY NG MGA TOLLWAYS, PAGSASAAYOS NG MGA BARRIERS, TUGON SA MGA SUMBONG SA MGA NAWAWALANG LOAD , PAGLALAGAY NG STICKERS at marami pang iba. Pero talagang kumpiyansa ang DOTr at Toll Regulatory Board (TRB) na ituloy na ang cashless sa tollways.

 

Naglabas pa ng mga paliwanag ang DOTr sa mga katanungan ng mga motorista. Ngayon ang motorista patuloy na anagtatanong –  ANYARE? Sisisihin nila na kasalanan ng ibang motorista dahil mahilig sa “last minute” pero teka diba’t ang DOTr mismo ang nag-anunsiyo na WALANG DEADLINE ang pagkakabit ng RFID stickers at walang hulihan hanggang Enero ng 2021?

 

Kung ganun walang last minute na dapat isisi.   At kung sasabihin naman na “birth pains” lang yan ng bagong sistema ay mukhang “nakunan” yata ang sistema at hindi lang birthpains ang nangyayari. Pakiusap po sana sa DOTr at sa TRB na panatiliin muna ang mga cash lanes, dagdagan ang RFID installation stations at ayusin ang inter-operability ng Autosweep at Easytrip at kalimutan na yang deadline nila. Kung hawaan ng COVID-19 ang pinoproblema o ginagamit na katwiran maglagay ng cash trays sa mga cash lanes at hikayatin ang mga motorista na “exact toll payment ang ihanda nila”.

 

Walang mawawala sa mga concessionaire kung pananatilihin muna mga cash lanes hanggang hindi pa maayos ang lahat.  Sa RFID “prepaid” ang binayad ng mga morista at dapat may load ang mga sticker kahit hindi ka pa dumadaan ng tollgate. Halimbawa P500 pesos ang ni-load mo.

 

Pero P400 pesos lang ang nakunsumo. Yun P100 pesos na hindi pa na consume ay wala namang “moneyback”. So ilang milyong piso ang hindi nagagamit pa na ni-load ng motorista na “prepaid” sa mga tollways concessionaires, nakatambay sa banko ng mga negosyante.

 

Samantalang pag cash payment bayad ka lang pag dadaan ng tollway. Ito ba ang dahilan kung bakit kahit hindi pa maayos ang inter-operability at iba pa ay minamadali ang RFID?  (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)

Other News
  • CHINESE NATIONAL, BINARIL SA LOOB NG ELEVATOR, PATAY

    NAGSASAGAWA ngayon ng manhunt operation ang Manila Police District (MPD) sa suspek na bumaril at pumatay sa isang 50-anyos na negosyanteng Chinese national sa loob ng elevator ng isang gusali sa Binondo, Manila kamakalawa ng hapon     Namatay noon din  ang biktima na si Wen Dun Chen, 50,  negosyante at nakatira sa Mandarin Square, […]

  • ‘Vaccine hesitancy’ ng mga Pinoy, 10% na lang

    BUMABA na sa 10% ang ‘vaccine hesitancy’ o ang kawalang-tiwala sa COVID-19 vaccines ng mga Pilipino sa kabila na bigo ang Department of Health (DOH) na maabot ang target na bilang sa katatapos na ikatlong bugso ng ‘national vaccination drive.’     “At the start talaga, since last year, meron talagang hesitancy ‘yan na mga […]

  • FLOOD-CONTROL PROJECTS, handa na para sa LA NIÑA-PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan na tugunan ang La Niña. “The construction of long-term flood control projects is going to deal with La Niña’s challenges  for the government,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview ukol sa paghahanda ng gobyerno para sa nagbabadyang nakapipinsalang weather phenomenon. Ang […]