• February 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

APOSTOLIC NUNCIO, BUMISITA S AMANILA CITY HALL

BUMISITA kahapon  si  Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown  sa Manila City hall.

 

Sa kanilang maikling pag-usap, pinuri ni Archbishop Brown si Mayor Isko Moreno dahil sa magadang nagawa nito sa Maynila .

 

Nagpasalamat naman si Domagoso  sa Apostolic Nuncio  na sa tulong  ng mga kapulisan at national government ay maayos na naipapatupad ang mga  programa at proyekto ng  lungsod.

 

Gayundin sa kanilanmg paghaharap,  nagpasalamat din ang alkalde sa mga kaparian sa  Simaahan nang i-alok ni ni Bishop Broderick Pabillo ang ilang mga simbahan at eskuwelahan bilang vaccination site upang makatulong sa vaccination programa ng pamahalaan.

 

Ipinagmalaki rin ni Domagoso sa Apostolic Nuncio ang 259 barangays ngayon na naging Covid-free bukod pa sa naunang 73  Covid-free barangays noong nakaraang taon  sa kabila ng sunod-sunod na mga pagdiriwang o holidays, festivities  na ipinagpatuloy ng may responsibilidad  dahil na rin sa pagsisikap na rin ng pamahalaang lungsod kasama si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan at ni MPD Director Brig/General Leo Francisco na ikinamangha naman ng Apostolic Nuncio.

 

Pinuri rin ni Apostolic Nuncio ang Maynila dahil napakalinis na at maayos.

 

Ikinatuwa rin ng  Arsobispo dahil madali ding naisaayos ang nasunog na simbahan sa Paco, Maynila.

 

Sa huli, binigyan ni Domagoso ng token na key to the city at lawaran ng nag-iisaang bakal na simbahanm sa Pilipinas ang San Sebastian Church. (GENE ADSUARA)

Other News
  • PBBM, nasa Thailand para lumahok sa APEC

    ILANG  araw lamang matapos bumalik sa bansa, bumiyahe na  si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para lumahok sa ika-29 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa Thailand.     Sa kanyang departure statement sa Villamor Air Base, nangako si Marcos na dadalhin niya ang pag-asa at adhikain ng bansa para sa isang mapayapa at […]

  • Ads September 16, 2024

  • PBBM, tinukoy ang pangangailangan na madaliin ang water security sa Pinas

    MAY pangangailangan na madaliin ang “water security” sa Pilipinas, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Muling inulit ng Chief Executive ang direktiba nito na madaliin ang pagkompleto sa water projects sa bansa.     Kasalukuyan ngayong nasa Davao City ang Pangulo para pangunahan ang inagurasyon ng Davao City Bulk Water Supply Project.   […]