• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Appointment ni Sec. Tulfo, tagilid

IPINAGPALIBAN ng Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ng appointment ni DSWD Secretary Erwin Tulfo matapos masilip ang dual citizenship nito.

 

 

May US at Filipino citizenship si Tulfo.

 

 

Nagmosyon si CA Majority Leader at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na i-defer ang kumpirmasyon sa appointment ni Tulfo dahil sa dalawang isyung binanggit ni 1-SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta tungkol kay Tulfo, ang citizenship at ang conviction sa libel case ng Kalihim na hinatol noon ng Pasay Regional Trial Court.

 

 

Tanong ni Caloocan City Rep. Oscar Malapitan kay Tulfo kung tinakwil niya ang Filipino citizenship noong maging enlisted personnel ng US Army mula 1988-1992.

 

 

Hindi naman ito sinagot ni Tulfo at sa halip ay humingi ng executive session sa komite na tumagal ng halos isang oras para pag-usapan ang naturang isyu.

 

 

Sinagot naman ng kalihim ang pagiging convicted sa kasong libelo na umanoy nangyari dahil sa pagtupad sa kanyang trabaho bilang mamamahayag.

 

 

Subalit giit ni Marcoleta, hindi pa rin mababago ang sitwasyon na nahatulan ito sa kaso lalo pa at ang libel case ay may kinalaman sa ‘moral turpitude’ kung saan ang tugon naman ni Tulfo ay dahil sa kanyang trabaho bilang journalist.

 

 

Ayon naman kay Sen. Chiz Escudero, unfair na gamitin laban kay Tulfo ang conviction niya sa libelo dahil ngayon ay isinusulong niya ang pagde-decri­minalize nito at maging ng kalihim ng Department of Justice (DOJ).

 

 

Nausisa rin ang pagkakaroon ng 10 anak sa naging apat na asawa ni Tulfo na umano’y isang pagkakamali noong kabataan niya subalit ang mahalaga umano ay inaalagaan niya ang kanyang mga anak.

 

 

Samantala, lumusot naman sa CA si DPWH Secretary Manuel Bonoan. (Daris Jose)

Other News
  • CabSec Nograles, pinalagan ang pahayag ng mga kritisismo na “back to square one” ang gobyerno

    TODO-DEPENSA si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa pamahalaan mula sa kritiko na nagsasabing “back to square one” ang bansa sa ginagawa nitong pagtugon sa COVID-19 dahil sa ulat na pagtaas ng bilang ng tinatamaan nito.   Giit ni CabSec Nograles, gumagana ang health safety protocols sa bansa.   “But we have to remember that even […]

  • Navotas at Valenzuela, naghahanda na sa paglalagyan ng bakuna sa COVID-19

    Kabilang sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang ang lungsod ng Navotas at Valenzuela ang naghahanda na ngayon ng paglalagyan nila ng kanilang mga bakuna sa COVID-19 bago ang pagdating nito sa bansa.     Sinabi ni Navotas Mayor Toby Tiangco na bumili ang pamahalaang lungsod ng bio refrigerator, single insulation transport cooler, […]

  • Sikat talaga ang loveteam nila: SOFIA at ALLEN, ‘di makapaniwalang kasama sa sitcom ni Bossing VIC

    PINAKASIKAT na young loveteam ngayon sa Kapuso network ang Sparkle loveteam na AlFia nila Allen Ansay at Sofia Pablo.     Naging patok ang loveteam nila sa mga teleserye na ‘Prima Donnas: Book 2’, ‘Raya Sirena’ at  ‘Luv Is: Caught In His Arms’. May natapos na rin silang digital series para sa GMA Public Affairs […]