Approach ni PDu30 sa WPS, gumagana
- Published on May 26, 2021
- by @peoplesbalita
GUMAGANA ang “approach” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng West Philippine Sea lalo pa’t wala namang teritoryo ng bansa ang nakuha ng China simula nang maupo siya sa puwesto.
Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesman Harry Roque ay tugon sa suhestiyon ni Vice President Leni Robredo na kailangan ang multilateral approach sa West Philippine Sea dahil hindi naman gumagana ang bilateral talks sa China.
Ani Sec. Roque, hindi totoo ang sinabi ni VP Leni dahil ang Pangulo ay may gampanin bilang chief architect ng foreign policy ng bansa.
“The President is the lone architect of foreign policy. Hindi totoo na hindi gumagana ang ating bilateral talks to the West Philippine Sea,” anito.
“Matapos ang halos limang taon ng termino ng Presidente, wala tayong nawalang teritoryo sa China, wala tayong hidwaan sa China,” dagdag na pahayag nito.
“So, I beg to disagree. The President’s policy has been working for the past five years,” pagpapatuloy pa ni Sec. Roque.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Sec. Roque na wala namang nakalilito sa posisyon ni Pangulong Duterte sa West Philippine Sea.
“Walang confusing sa stand ni Presidente sa West Philippine Sea. Ang hindi puwedeng mapagkasunduan, isasantabi muna, isusulong ang mga bagay na puwedeng maisulong gaya ng kalakalan at pamumuhunan,” aniya pa rin.
“Pero hinding-hindi tayo mamimigay ng teritoryo at paninindigan at pangangalagaan natin ang pang-nasyonal na soberenya at ang ating sovereign rights,” lahad nito.
Samantala, lumutang ang isyu ng West Philippine Sea sa ginawang incursion ng Chinese vessels sa nasabing lugar.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na siya magre-react sa anumang kritisismo at ipinag-utos sa miyembro ng kanyang gabinete na iwasan na ang magsalita sa naturang isyu sa kahit na kaninuman. (Daris Jose)
-
Psalm 66:20
Blessed be God who did not withhold his love from me.
-
PDU30, kinuwestiyon ang mga senador kung bakit ang contractor na sangkot sa di umano’y overpriced Makati building ang magtatayo ng bagong Senate infra
KINUWESTIYON ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador kung bakit ang construction firm na sangkot sa di umano’y overpriced Makati City building at Iloilo Convention Center ang magtatayo ng bagong P8.9-billion Senate building sa Taguig City. “May I ask the senators if it is true that the Hilmarc’s is the contractor of the […]
-
Dizon pumiyok, kulang ang ginagawang COVID-19 testing ng bansa
PUMIYOK si National Task Force Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon na kulang ang ginagawang COVID-19 testing ng bansa. Ani Dizon, bagama’t ang peak single-day COVID-19 testing ay 80,000, na mayroong daily average na 70,000, ay masasabing hindi pa rin ito sapat. “To the question is it enough? I don’t think […]