• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila bumaba – OCTA

Bumaba ang average number ng bagong COVID-19 case sa National Capital Region ng 23% o 1,023 batay sa ulat ng OCTA Research group.

 

 

Ang pagbaba ng kaso ay mula noong Mayo 20-26 na may average daily attack rate na 7.41.

 

 

Una nang naiulat ng OCTA na ang NCR ay uma­lagwa na sa kundisyon mula sa pagiging isang high risk ay moderate risk area na sa COVID-19.

 

 

Samantala ang  positivity rate ay bumaba sa 10% mula Mayo 19-25, o bahagyang pagtaas sa target na mababa sa 5%.

 

 

Nakapagtala naman ang OCTA ng reproduction number na 0.52 sa nakalipas na linggo na indikasyon ng patuloy na pagdami ng nahahawa sa virus.

 

 

Nasa 42% ang healthcare utilization rate sa NCR habang ang ICU occupancy ay 57%.

 

 

Samantala,nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,483 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), noong Huwebes, kung kaya nasa 1,200,430 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

 

 

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

 

  • Lahat ng kaso: 1,200,430
  • Nagpapagaling pa: 48,109, o 4% ng total infections
  • Kagagaling lang: 4,335, dahilan para maging 1,131,942 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang210, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 20,379 

(GENE ADSUARA)

Other News
  • Tinupad ang pangakong ‘di iiwan ang ABS–CBN: KATHRYN, naging emosyonal sa pagpirma ng bagong kontrata

    MAY mga negatibong reaksiyon ang nga netizen sa napanood nilang trailer ng “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Julia Barretto.   Kung may mga kinilig pero higit na nakararami ang hindi sang-ayon sa “love angle” ng mga roles na ginampanan nila.   Malaking agwat ng edad ng dalawang bida […]

  • Pilipinas, hindi lumagda ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine na Sinovac

    HINDI lumagda ang Pilipinas ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine sa Beijing-based Sinovac Biotech.   Ang indemnification agreement ay magsisilbing kalasag ng vaccine makers mula sa legal claims na magmumula sa kanilang emergency use.   At sa tanong kung ang mga awtoridad ay lumagda sa nasabing kasunduan sa Sinovac, ay mabilis na “No” ang […]

  • OBRERO TIMBOG SA P23-K SHABU

    NATIMBOG ang isang obrero na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Mark Del Mondo alyas Tolo, 34, ng Tulay 1, Brgy. Daanghari.   […]