• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Arcilla kinopo kampeonato ng San Carlos City Nat’l Netfest

SINUNGKIT ni Johnny Arcilla ang isa pang men’s singles Open trophy sa napaikling senaryo sa katitiklop  na PPS-PEPP San Carlos City National Tennis Championships pagkaretiro ni Jose Maria Pague sa second set dahil sa tama sa singit sa Negros Occidental.

 

 

Kinasangkapan ni Arcilla ang pagiging ismarteng beterano sa pagtarak ng 6-3 sa opening set sa diskarteng long baseline rallies at napasakamay ang isa pang kampeonato pagkalipas ng 6-4, 6-4 win kay doubles partner Ronard Joven noong Setyembre sa Puerto Princesa Open.

 

 

Nagmartsa ang top-seeded Davis Cup campaigner sa finals sa 6-4, 6-0 taob kay Jelic Amazona, habang kumayod si No. 2 Pague bago lumusot kay seventh ranked Nilo Ledama, 6-2, 5-7, 13-11, sa semis ng annual event na inisponsoran ni Mayor Rene Gustilo at dinaos kasabay sa pagdiriwang ng lungsod sa Pintaflores Festival.

 

 

Binasag agad ni Arcilla, nine-time PCA Open champion, si Pague sa umpisa at kinipkip ang bentahe sa pakikipagpalitan ng serbisyo sa sa bagong koronang hari ng Buglasan Open sa sumunod na pitong laro. Nag-rally siya pagkaraan sa 0-30 sa pangsiyam at winalis ang huling apat na puntos upang manaig sa set sa tampok na sagupaan  sa week-long event na isinabay sa  juniors division ng event na handog ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.

 

 

Nakipagsabwatan pagkaraan si Arcilla, 42, kay Rodolfo Barquin para idemolis sina Ledama at Bryan Saarenas, 6-4, 6-2, sa pagkumpleto sa ‘twinkill’ sa men’s doubles habang kinopo nina Espie Divinagracia at Joana Tan ang women’s plum kontra kina Rosalie Clelo at Maddy Thomas, 6-2, sa torneong mga inayudahan ng  ProtekTODO, PalawanPay, Unified Tennis Philippines at UTR (Universal Tennis Rating).

 

 

Sumosyo sa top podium finish sina Inno Solo at Andrew Sojor, na nagbida sa Legend’s men’s doubles 40s laban kina Japeth Bartolome at Jojo Enad, 8-7(3); at Danilo Sajonia at Arturo Virata, na kinubra ang 50s diadem sa pagtalo kina Jojie Ansula at Paul Allego, 8-4.

 

 

Si Sajonia rin ang nangibabaw sa Legends men’s singles 45 age-group laban kay Roy Tan, 8-2, habang si Mclean Barraquias ang nananalo sa 35 singles plum sa parehas na iskor kontra Jun Tabura. (REC)

Other News
  • Nakakuha na naman ng bagong achievements: TAYLOR SWIFT, isa sa People’s ‘Most Intriguing People of the Year’ at Forbes ‘Top 5 Most Powerful Women’

    ISA nang ganap na abogado ang OPM singer-songwriter na si Jimmy Bondoc.      Kasama si Jimmy sa 3,812 na pumasa sa 2023 Bar Examinations na nilabas ng Supreme Court noong nakaraang Martes, December 6.     Taong 2017 noong magsimula si Jimmy ng kanyang pag-aaral ng law sa San Beda University. Tinuloy niya ito noong […]

  • 2nd place sa Paris Diamond League Obiena winasak ang sariling Philippine record

    Kasabay ng pag-angkin sa second place ay ang pagtatala ni national pole vaulter Ernest John Obiena ng bagong Philippine record.     Lumundag si Obiena ng 5.91 meters para basagin ang kanyang personal best at national record na 5.87m sa Paris Diamond League sa Stade Charlety, Paris, France.     “A 2nd place finish at […]

  • Ads August 11, 2022