Ardina, Guce bulilyaso sa 16th Symetra Tour 1st leg
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
SUMABLAY sa cut sina Dottie Ardina at Clariss Guce ng ‘Pinas sa kawawakas na 16th Symetra Tour 2021 first leg – $200K inaugural Carlisle Arizona Women’s Golf Classic sa Longbow Golf Club sa Mesa, Arizona.
Pumalo ng two-round 146 sa mga round na 74-72 ang US-based na si Guce upang humilera lang sa 12 magkakatabla para sa ika-62 puwesto sa tatlong araw na golfest.
Kabilang naman sa 12 magkakasalo para sa ika-79 na katayuan na mayroong 147 (75-72) ang taga-Laguna na si Ardina para magaya kay Guce na zero sa cash prizes sa 54-hole event.
Dinale si Ruixin Liu ng China ang korona ng torneo na sinabakan ng 107-player mula sa iba’t ibang panig ng daigdin.
Dinaig ng Chinese 17-taon pa lang at reigning US Women’s Amateur champion na si American Rose Zhang sa second hole ng sudden-death playoff para upang ibulsa ang $30K ₱1.4M. (REC)
-
Incentives Trust Fund, itinatag ng POC sa mga atleta
SA hangarin na lalo pang humusay ang mga atletang Pinoy sa larangan ng sports, nagsagawa ang Philippine Olympic Committee (POC), sa pangunguna ng pangulo nitong si Abraham Tolentino, ng incentive plan para sa mga medalist ng bansa sa mga international multi-sports tournaments. At sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng lokal na Olympic body, sinabi […]
-
Myla Pablo lumipat na sa F2 Logistics
Si Myla Pablo ay lumipat mula sa Petro Gazz sa F2 Logistics. Ginawa ng ahente ni Pablo na Virtual Playground ang anunsyo noong Biyernes. Ayon kay Pablo, ang paglipat sa Cargo Movers ay isang bagay na kailangan niya para sa kanyang personal na paglaki. “This coming year, papasok ako […]
-
Ads November 18, 2024