• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Argentina nilampaso ang Poland sa Group C knockout game ng FIFA World Cup

Pinatunayan ng Argentina ang kanilang mataas na ranking sa FIFA matapos talunin ng Poland sa knockout Group C stage game.

 

Unang nakapagtala ng goal si midfielder Alexis MacAllister para madala sa 1-0 ang ranked number 3 na Argentina sa laro na ginanap sa Stadium 974 sa unang bahagi ng laro.

 

Pagpasok ng second half ay matagumpay na naipasok ni Julian Alvarez ang goal para maiwan sa 2-0 ang ranked 26 na Poland.

 

Itinuturing na bayani ng Poland si Wojciech Szczesny ng maharang ang penalty kick ni Messi.

 

Sinubukan ng Poland na pinangungunahan ng kanilang star player na si Robert Lewandowski subalit naging matindi ang depensa ng Argentina.

 

Kahit na talo ay pasok pa rin sa last 16 ang Poland kung saan makakaharap nila ang France habang ang Argentina ay makakaharap ang Australia. (CARD)

Other News
  • Black tamang sundan ang ama

    MUKHANG hindi nagkamali si Aaron Black na sundan ang kanyang ama na maging basketball player din.   Tila naging pamantayan ng anak ni Meralco Bolts coach Norman Black, na lahat ng mga baguhan may pagkakataong ipakita ang husay magtiyaga’t magsipag lang, may mararating din ura-urada.   Tinanghal si Aaron na pinakamababang pick, second round, 18th […]

  • Beermen magpapalit ng import

    BAGAMA’T impresibo ang inilaro ni import Orlando Johnson sa nakaraang 110-102 panalo ng San Miguel sa nagdedepensang Barangay Ginebra ay papalitan pa rin siya ng Beermen sa umiinit na PBA Governors’ Cup.     Ang five-year NBA veteran na si Shabazz Muhammad ang sasalo sa trabaho ni Johnson para palakasin ang tsansa ng San Miguel […]

  • 500 pang traditional jeepneys sa 4 na ruta sa NCR makakabiyahe na sa Oct. 30 – LTFRB

    DAGDAG pang mahigit 500 mga traditional jeepneys sa apat na ruta sa Metro Manila ang pinayagan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa Biyernes, Oktubre 30.   Batay sa Memorandum Circular (MC) 2020-064 nasa 507 na mga traditional public utility jeepneys (TPUJ) routes ang papasada sa mga susunod na ruta: […]