ARJO, ire-revive ang character ni AGA sa international thriller series na ‘The Rebirth of the Cattleya Killer’
- Published on September 30, 2021
- by @peoplesbalita
GUMAWA na naman ng ingay ang Asia’s Best Actor na si Arjo Atayde nang ilabas ang teaser ng newest project na may tag na ‘Rebirth of the Truth’ na ipo-produce ng ABS-CBN International Production & Co-Production.
In-announce naman sa TV Patrol noong Martes nang gabi na sa naturang serye na intended for international release ay ire-revive ni Arjo ang tumatak na character na ginampanan ni Aga Muhlach sa 1996 thriller movie na Sa Aking Mga Kamay na kung saan nakasama niya sina Christopher de Leon at Chinchin Gutierrez.
May titulo ito ngayon na The Rebirth of the Cattleya Killer na ididirek ni Dan Villegas at kaabang-abang din kung sino ang mapipili para gumanap na Christopher at Chinchin, na malalaman sa mga darating na araw.
Malaking challenge ito para kay Arjo na muling ipamalas ang husay niya na bilang aktor na hinangaan hanggang sa ibang bansa, na nagbunga ng pagkapanalo niya sa Asian Academy Creative Awards 2020 para sa Bagman series.
Kaya naman natuwa rin ang netizens at comment nila at may payo din sa pagpasok nila sa pulitika na mukhang wala na ring atrasan:
“Eto dapat ang binibigyan ng project, gwapo na magaling pa.”
“Pero pag tatakbong kandidato yan, bawal ilabas ang project during campaign period ha?”
“International project coming up! Perfect for someone who won a Best Actor award! Galing!”
“Eto talaga yung magaling na aktor sa henerasyon niya.. kahit anong role kaya.. mapa bida or kontrabida.. its good na binibigyan siya ng magandang project ng ABS CBN..”
“My BEST ACTOR!”
“A real good man! Congrats sa new project !”
“Sana kasing ganda ng ‘Bagman’. Aabangan ko to.”
“His series “Bagman” was award winning. Dun din siya nanalo ng international best actor award. Feeling ko same vibe ito.
“Sana wag na siya tumuloy sa pulitika at magfocus nalang sa pag-arte. Mas mag-e-excel siya diyan. Masisira lang siya sa politics.”
“Galing na galing ako dito sa ‘Bagman’ niya. I first discovered him in ‘Ang Probinsyano’ and nilamon niya si Coco dun kahit bago pa lang siya. “Then sa ‘Buy Bust!’ Kala mo siya ang bida kasi yung 15min role niya lang ang tumatak sa buong movie, ganun kagaling. Buti nasundan! The poster looks promising.”
“Magaling tong si Arjo. Maganda yung series nya sa Netflix na Bagman. Abangan ko to!”
“Nakaka-excite naman. Pakahusay na aktor nito. Idol!”
“’Yung nakakagwapo kay Arjo yung boses nyang malamig na mababaw arrghhh!!!”
Congrats Arjo and goodluck sa bonggang-bongga na international project.
(ROHN ROMULO)
-
Nag-post ng madamdaming birthday message: SHARON, umaasa na isang araw ay muli silang magkakasama ni KC
NAG-POST ng madamdaming mensahe si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang primera princesa na si KC Concepcion na nag-celebrate ng 37th birthday last April 7. Kalakip sa kanyang IG post ang throwback back photos nila ni KC at video na mula sa concert niya na kung saan batam-bata pa ang anak nila ni […]
-
Pitong NBA players, positibo sa Covid
Pitong NBA players, kasama si Denver Nuggets All-Star center Nikola Jokic, ang nagpositibo sa coronavirus o mas kilala sa tawag na Covid-19. Tanging si Jokic lang sa pitong manlalaro ang pinangalanan sa mga nagpositibo at ngayo’y naka-quarantine sa Serbia, ayon sa ulat. Bukod kay Jokic, dalawa pang miyembro ng Phoenix Suns ang naitalang […]
-
Dominanteng COVID-19 variant na sa mundo ang ‘Stealth Omicron’
DOMINANTENG variant na ng COVID-19 sa buong mundo ang ‘stealth Omicron’ o ang BA.2, na nagbabanta ngayon na naging dahilan ng panibagong ‘surge’ sa mga bansa sa kanluran kabilang ang Estados Unidos. Ayon sa World Health Organization (WHO), nirerepresenta ngayon ng BA.2 ang 86% ng lahat ng kasong isinailalim sa ‘genome sequencing’ sa […]