Armado ng sumpak, kelot na nagpulis-pulisan timbog sa Valenzuela
- Published on March 8, 2025
- by Peoples Balita
SA kulungan ang bagsak ng 24-anyos na lalaki na nagpulis-pulisan nang matiyempuhan ng totoong mga pulis na nakasuot ng uniporme ng pulis at makuhanan pa ng baril sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, mahaharap ang suspek na si alyas “JP”, ng Brgy. Maysan sa mga kasong paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code o Illegal Use of Uniforms and Insignia at R.A 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions in relation to B.P. 881 (Omnibus Election Code).
Ani Col. Cayaban, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Bignay Police Sub-Station 7 bandang alas-9 ng gabi, sa Ulingan West St., Brgy., Lawang Bato, nang maispatan nila ang suspek na nakasuot ng uniporme ng pulis.
Nang tanungin nila si alyas JP, nalaman na hinid ito totoong pulis kaya agad siyang inaresto nina Pat Pimentel Bolibol at PSSg Chryrus Jan Bancolo at nang kapkapan, nakuha sa kanya ang improvised shotgun (sumpak) na may isang bala ng 12 gauge.
Paliwanag ni SS7 Commender P/Capt. Albert Verano, ang olive green BDU shirt na ginamit ng suspek ay isinusuot panloob sa pixelized long sleeves uniform ng pulis, at ang GOA pants na ginamit ay ang blue pants na uniporme ng pulis na hindi dapat ipinagteterno base sa sinusunod ng PNP.
Payo naman ni Col. Cayaban, sa mga nagnanais maging pulis, “Magsikap sana kayo na makatapos ng pag-aaral para makamit ninyo ang inyong pangarap.” (Richard Mesa)
-
2024 accomplisment report, inilahad ni Mayor Sandoval sa kanyang kaarawan
SA kanyang 2024 accomplisment report, isa-isang inilahad ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang mga naging tagumpay ng lungsod na layong pagbutihin pa ang kalidad ng buhay ng Malabuenos, kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-60-taong kaarawan na ginanap sa Malabon Sports Complex. “Nakaahon na at magpapatuloy pa. Ang ating mga […]
-
Ads September 11, 2021
-
Chavit handang mamagitan sa pamilya Yulo
SA PAGPASOK ng Kapaskuhan ay inalok ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson (gitna) ang kanyang sarili para maging simbolo ng pagmamahal at pagpapatawad sa pagitan ni Paris Olympic hero Carlos Yulo at ng kanyang amang si Andrew (ikalawa mula sa kaliwa), ina na si Angelica (ikatlo mula sa kaliwa) at mga kapatid na […]