Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, susunod na AFP chief of staff
- Published on January 29, 2021
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Malakanyang na si Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umaasa sila na ipagpapatuloy ni General Sobejana na gawing makabago ang militar at gumawa ng reformang inisyatiba upang maging “truly professional” ang Armed Forces sa mandato nito bilang protektor ng mga mamamayan at estado.
“We wish General Sobejana all the best in his new tour of duty as we pray for his success,” ayon kay Sec. Roque.
Sa ulat, isa si Sobejana sa pangalan na nasa listahan na naisumite kay Pangulong Duterte na posibleng hahalili kay AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay.
Magreretiro na kasi sa darating na Pebrero 4 si Gapay, na itinalaga bilang pinuno ng hukbong sandatahan noong Hulyo ng nakalipas na taon.
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, posibleng ngayong linggo na malaman kung sino ang susunod na hihirangin bilang AFP chief.
Bukod kay Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, sinasabing ilan sa mga posibleng kandidato bilang kapalit ni Gapay ay sina Navy chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, Air Force chief Lt. Gen. Allen Paredes, Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade, Northern Luzon Command chief Lt. Gen. Arnulfo Burgos, at iba pang mga area commanders.
Dumaan naman sa mabusising pag-aaral ng AFP Board of Generals ang mga seinor military officials ang napiling irekomenda kay Pangulong Duterte. (Daris Jose)
-
Mass protests asahan, kasunod ng LRT-1 fare hike
NAGBABALALA si Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) sa posibleng “massive protest actions” kung hindi pipigilan ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magtaas ng P5-P10 LRT-1 fare increase. Inihayag ng LRMC na simula Abril 2, magiging P20 (dating P15) ang pasahe ng pinkamaikling biyahe habang ang pinakamahaba ay P55 (dating […]
-
Muling gaganap na witch sa ‘Into The Woods’: LEA, nagbabalik sa musical theatre after six years
AFTER six years ay muling bumalik sa musical theatre si Lea Salonga via the Philippine production of Into The Woods ng Theater Group Asia (TGA). Gagampanan ng Tony Award-winning actress ang role ng The Witch na unang ginawa ni Lea sa Singapore production ng Into The Woods in 1994. “Playing her again 30 years later […]
-
Truck driver at helper, kinasuhan sa pagmamaniobra ng palitan ng manok
SINAMPAHAN ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang dalawang indibidwal na responsible sa pagpapalit ng mga buhay na mga manok na nagresulta sa pagkakalugi ng mahigit P200K ng isang poultry company. Kasong Qualified Theft sa ilalim ng Article 308 in Relation to Article 310 of the Revised Penal Code […]