Arrest warrant, maaaring iisyu ng ICC laban sa mga opisyal ng gobyerno ng PH – SolGen
- Published on February 3, 2024
- by @peoplesbalita
MAAARI umanong mag-isyu ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra.
Subalit nilinaw naman ng SolGen na ibang usapin ang pagpasok ng mga imbestigador ng ICC sa teritoryo ng Pilipinas kayat mahalaga ang kooperasyon nito sa pamahalaan.
Aniya, ang pag-isyu ng warrant of arrest ay base sa assessment ng ICC pre-trial chamber kaugnay sa existence ng makatwirang basehan na nakagawa nga ng krimen ang isang indibidwal.
Dapat din aniyang imbestigahan ng ICC prosecutor ang ebidensiya na parehong “incriminating” o nagpakita ng ebidensiya o katibayan ng pagkakasangkot ng indibidwal sa krimen o “exonerating” o nag-aabswelto sa isang indibdiwal mula sa criminal charges laban sa kanya.
Sa ibang salita, ang imbestigasyon ay dapat na hindi bias o walang kinikilingan, dahil kung hindi ay insufficient ito para sa pag-iisyu ng arrest warrant.
Ginawa ng SolGen ang naturang pahayag nang tanungin kung maaaring mag-isyu ang ICC ng arrest warrant laban kina VP Sara Duterte na isinasangkot sa Davao death squad at iba pang opisyal ng gobyerno ng PH kaugnay sa Oplan Tokhang sa kasagsagan ng war on drugs noong nakalipas na administrasyon.
Una na kasing inakusahan ni dating Davao Senior Police Officer Aruri Lascañas na umano’y miyembro ng orihinal na Davao Death Squad, si VP Sara na siya umanong nag-orchestrate ng Oplan Tokhang sa Davao city noong alkalde pa siya noong 2012. (Daris Jose)
-
Mahigit sa $1 billion investments sa Pinas, inanunsyo ng Kalihim ng US Commerce
DUMATING na sa Pilipinas si US Commerce Secretary Gina Raimondo bitbit ang magandang balita na mahigit sa $1 bilyong halaga ng investments ang paparating sa bansa mula sa 22 American companies. Si Raimondo, nangunguna sa high-level Presidential Trade and Investment Mission, nakipagpulong kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Philippine economic team sa kanyang […]
-
Kelot na nag-abandona sa pamilya, arestado sa Malabon
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 36-anyos na lalaki matapos arestuhin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest nang kasuhan siya ng dating kalive-in makaraang mabigong sustentuhan ang lima nilang anak sa Malabon City. Nagmakaawa pa si Mondido Rosales sa dating kalive-in na itinago sa pangalang “Gina” na patawarin na siya sa […]
-
AFC Cup 2020 kinansela na dahil sa COVID-19 pandemic
Kinansela na ang Asian Football Confederation ang AFC Cup 2020 dahil sa coronavirus pandemic. Ayon kay AFC President Shaikh Salman bin Ebrahim Al Khalifa , na isinaalang-alang nila ang kaligtasan ng lahat kaya minabuti nilang kanselahin ang torneo. Mula pa noong Marso ay kanselado na ang mga laro at nakatakda sana itong ituloy […]