• March 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Arroyo inendorso si Romualdez sa Speakership

INENDORSO ni dating pangulo at Congresswo­man-elect Gloria Macapagal-Arroyo si Leyte 1st District Representative at Majority Leader Martin Romualdez upang maging House speaker ng 19th Congress.

 

 

Ayon kay Arroyo, buo ang kanyang suporta para iluklok si Romualdez bilang susunod na House Speaker. Hinimok din nito ang kanilang mga kapartido na suportahan din si Romualdez.

 

 

Unang inendorso ng National Unity Party ang speakership ni Romualdez.

 

 

Paliwanag ni Arroyo, dekada na silang magkatuwang ni Romualdez sa pag­lilingkod sa mga Pilipino, kung saan malaking bahagi nito ay bilang kinatawan sa Kamara. Balik kongreso si Arroyo  sa Hunyo 30, matapos itong manalo  bilang  2nd District representative ng Pampanga.

 

 

Samantala, nagpahayag na rin ng suporta ang Nacionalista Party sa pangunguna ni Deputy Speaker Camille Villar kung saan ipinunto nito ang outstanding performance ni Romualdez bilang House Majority Leader sa pagpapasa ng mga vital na batas at pagbubuklod sa mga miyembro ng Kongreso na mula sa magkakaibang partido.

 

 

Sa pulong naman ng party-list coalition, tiniyak din nila ang kanilang suporta para sa pag-upo ni Romualdez bilang House speaker.

 

 

Naglabas na rin ng statement ang PDP Laban na kanilang sinusuportahan ang speakership ng Leyte solon.

 

 

Ayos kay PDP Laban President Alfonso Cusi, naniniwala sila sa kaka­yanan ni Romualdez na pag-isahin ang Kongreso at ipagpatuloy ang legacy program ng Duterte administration kasabay ng pagsusulong sa agenda ni presumptive president Bongbong Marcos.

Other News
  • QUIAPO CHURCH ISA NANG ARCHDIOCESAN SHRINE

    INILAGAY  na sa katayuan ng isang Archdiocesan Shrine ang parokya ni San Juan Bautista na karaniwang kilala bilang Simbahan ng Quiapo.     Ito ay matapos aprubahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang petisyon ni Fr. Rufino Sescon Jr., rector ng parokya.     “We hereby decree that the Minor Basilica of the Black […]

  • Bong Go: Bilisan pamimigay ng ‘ayuda’ sa apektado ng ECQ

    Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging desisyon ng pamahalaan na bigyan ng special financial assistance ang mga residente ng Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro City at Gingoog City, Misamis Oriental na naapektuhan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine restrictions noong Hulyo 16 hanggang 31 na nag-extend hanggang Agosto 7.     […]

  • Sec. Andanar, nagpatulong na sa mga youth leaders ng Northern Mindanao para maglaganap ng tamang impormasyon ukol sa covid 19

    HUMINGI na ng tulong si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa mga  youth leaders sa Northern Mindanao para tulungan ang komunidad na magpalaganap ng tamang impormasyon at kamalayan ukol sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.   Binigyang diin ni Sec. Andanar, pinuno rin ng  Cabinet Officer for Regional Development and Security for […]