• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARTA award, nasungkit ng Navotas at Valenzuela

NASUNGKIT ng Navotas at Valenzuela Cities ang Accelerating Reforms for Improved Service Efficiency (ARISE) Award mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) para sa kanilang good governance at exemplary service.

 

 

Tinanggap ni Navotas Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez, at Valenzuela Mayor Wes Gtachalian, kasama si Business Permits and Licensing Office Head Atty. Ulysses Gallego ang parangal mula kina Secretary Ernesto Perez at Undersecretary Gerald Divinagracia sa pagdiriwang ng ikalimang anibersaryo ng ARTA sa The Manila Hotel.

 

 

“This recognition is the outcome of the collaborative efforts of all city government offices.  We especially commend our electronic Business One-Stop-Shop (eBOSS) and Information and Communications Technology Office staff for continuously developing our digital system and simplifying all processes for Navoteño taxpayers,” sabi ni Tiangco.

 

 

Pinuri ang Navotas sa buong pagsunod nito sa Ease of Doing Business at Efficient Government Service Delivery Act of 2018 partikular sa pagpapatupad ng eBOSS.

 

 

Sa pamamagitan ng pasilidad ng eBOSS ng lungsod, ang mga Navoteñong negosyante ay maaaring mag-apply, mag-renew, at magbayad para sa kanilang mga permit sa loob ng kanilang sariling mga opisina.

 

 

Noong nakaraang Marso, nakatanggap din ang Navotas ng sertipikasyon mula sa ARTA para sa pagiging isa sa anim na LGU sa Metro Manila na may mahusay, sistematiko, at fully-operational na eBOSS.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Mayor Gatchalian na ito ang unang ARISE awards na nakamit ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

 

Ang ARISE Awards ay nagsisilbing komprehensibong pagkilala para sa parehong national government agencies (NGAs) at local government units (LGUs) bilang pagkilala sa kanilang mga pagsisikap na mapahusay ang bureaucratic efficiency sa bansa.

 

 

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga ahensya ng gobyerno na makibahagi sa apat na kategorya ng ARISE Awards, ito ay: Compliance sa EBOSS para sa mga LGU o Digitalization of Services Award para sa mga NGA, Adherence to the Philippine Good Regulatory Principles Award, Nakamit sa Report Card Survey 2.0 Award, at Philippine Ease of Doing Business Reporting System Award.

 

 

Kilala sa reputasyon nito bilang business-friendly city, kinilala ang Valenzuela City bilang isa sa walong LGU sa bansa na matagumpay na nakatupad sa mga kinakailangan ng ARISE Award sa lahat ng apat na kategorya.

 

 

“With this award in hand, the City Government of Valenzuela will continue its mission towards its goal of creating a business-friendly and corruption-free environment for all the business entities in the city”, ani Gatchalian. (Richard Mesa)

Other News
  • Navotas namahagi ng educational assistance

    NAMAHAGI ang Pamahalang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ng educational assistance sa 355 public special education students o mga estudyanteng may kapansanan.     Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng P1,000 para sa buwan ng Marso at Abril.     Ipinasa ng pamahalaang lungsod ang City Ordinance 2019-04 para […]

  • Bilang ng mga nakapag-rehistrong botante sa kabuuan ng registration period, mahigit doble sa target ng Comelec

    Ikinatuwa ng Commission on Elections ang mahigit dobleng bilang ng mga nagrehistrong botante sa kabuuan ng voter registration na nagtapos kahapon, Setyembre-30.     Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. Rex Laudiangco, tatlong milyong registrants lamang ang target ng komisyon noong binuksan ang registration period noong buwan ng Pebrero. Ang naturang target ay kapwa mga bagong […]

  • PVF nanawagan sa POC; LVPI idiskwalipika sa eleksyon

    Muling nanawagan at umapela ang Philippine Volleyball Federation (PVF) kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na rebisahin ang isyu sa volleyball at idiskwalipika ang Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) sa gaganaping POC election sa Nobyembre 27. Sa sulat ni PVF President Edgardo “Tito Boy” Cantada na may petsang Nobyembre 5, 2020, […]