• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARTA tinutulak ang pagaalis ng TPL insurance ng mga sasakyan

Ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ay sinusulong ang pagaalis ng third party liability (TPL) insurance na isang requirement sa pagrerehisto ng sasakyan para sa mga mayron nang comprehensive automotive insurance policy.

 

 

Isang recommendation ang pinahatid ni ARTA director general Jeremiah Belgica sa Land Transportation Office (LTO) kung saan niya sinabi na ang requirement ay isang kalabisan na at magiging dagdag lamang sa gastos ng mayari ng sasakyan.

 

 

“I implore them to look into it and reconsider waiving the requirement provided that the vehicle owner can show proof of comprehensive insurance,” wika ni Belgica.

 

 

Ang TPL ay isang uri ng insurance na kinailangan para sa mga registradong sasakyan upang mabigyan ng proteksyon ang mayari ng sasakyan laban sa third party incidents o pagkamatay dahil sa paggamit ng sasakyan.

 

 

Sa kabilang dako naman, ang comprehensive automotive insurance ay kailangan dahil ito ay inuutos ng batas na nagbibigay ng mas malaking coverage sapagkat naglalaan ito ng magandang proteksyon laban sa third party accidents.

 

 

Dagdag pa ni Belgica na ang ARTA ay gumagawa ng paraan upang maalis ang overregulation at mga hinding kailangan mga requirements sa mga proseso sa pamahalaan upang mabawasan ang hirap na nararanasan ng mga tao sa mga transaksyon, para rin mapasimple ang proseso at magbigay ng good governance.

 

 

“This is all in line with our intensified campaign against fixers through entrapment operations,” saad ni Belgica.

 

 

Nakikipagtulungan din ang ARTA sa Department of Transportation (DOTr) upang paalalahanan ang Private Emission Testing Centers and Motor Vehicle Emission Control Technicians at ang Insurance Commission (IC) na hindi dapat sila makipagsabwatan sa mga fixers.

 

 

“They should be aware that collaborating with fixers for economic and/or other benefits or advantage is a violation of Section 21 under Republic Act 11032, otherwise known as the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018,” dagdag ni Belgica.

 

 

Ang RA11032 ay naglalayon na mapasimple ang mga proseso at mga pamamaraan sa mga serbisyo ng pamahalaan.

 

 

Ayon pa rin kay Belgica ang DOTr ay sumagot na sa kanilang pakiusap na magbigay ng advisory sa mga PETCs at MVECTs sa mga serbisyong pinapayagan na kanilang ibigay. Nakipagugnayan na rin sila sa LTO at IC tungkol sa nasabing issue.

 

 

Patuloy pa ang ARTA na nakikipagtulungan sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group at iba pa ahensya ng pamahalaan upang maalis ang mga fixers sa bansa.  LASACMAR

Other News
  • Online shopping scams ngayong holiday season, maaari ng isumbong sa pamamagitan ng eGov app – DICT

    Maaari ng isumbong ang naglipanang online shopping scams ngayong holiday season sa pamamagitan ng eReport feature ng eGov Super App.       Sa isang statement, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) USec. David Almirol na ang pinakabagong feature ay ang e-commerce reporting para sa consumer protection ng Department of Trade and […]

  • Japan, nagbukas ng scholarship applications para sa Japanese studies, teacher training

    NAGBUKAS ang Embahada ng Japan sa Pilipinas ng aplikasyon nito para sa mga Japanese Studies and Teacher Training category ng 2025 Japanese Government (Monbukagakusho) scholarship. Sa pamamagitan ng Japanese embassy sa Maynila , inanunsyo ng Japanese government ang pagbubukas ng scholarship programs, araw ng Biyernes, Disyembre 27. Ang mga aplikante ay dapat na Filipino citizen […]

  • ‘RFID installation, mananatili sa kabila ng Nov. 30 deadline

    Walang dapat ipangamba ang mga motorista na hindi pa rin nakakapagpakabit ng radio frequency identification (RFID) sticker.   Ayon kay Atty. Romulo Quimbo, ang chief communications officer ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), nilinaw nito na mananatili pa rin ang sistema ng RFID installation.   Nabatid na hanggang November 30, ang pinalawig na deadline ng […]