ASEAN, dapat na magdoble-sikap na panindigan at itaguyod ang international law
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
DAPAT lamang na magdoble-sikap ang ASEAN na itaguyod at panindigan ang international law sa rehiyon.
“In order to harness the potential of our region, I believe that ASEAN must double its efforts especially in these following priority areas: first, ASEAN should uphold international law and the international rules based system which has underpinned the peace, security, stability, and prosperity of our region,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa pagbubukas ng plenary session.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang bagay na ito isang araw matapos niyang sabihin na patuloy niyang isusulong ang Code of Conduct (COC) sa South China Sea sa ASEAN Summit.
Ani Pangulong Marcos, hindi mapapakalma ang tensyon sa South China Sea kung walang COC.
“You cannot stop trying so yes I will bring that up again. Because when we talk about the issues in the West Philippine Sea, in the South China Sea, hindi magkakalma iyan hanggang wala tayong Code of Conduct,” ang wika ng Pangulo.
Samantala, sinabi pa rin ng Pangulo na tanggap ng PIlipinas ang Indonesia’s ASEAN chairmanship priority na “strengthening regional cooperation to address cross-border crimes particularly trafficking in persons caused by the misuse of technology and to mainstream the protection of migrant workers and their families in crisis situations.”
Tinuran ng Pangulo na ang gobyerno ng Pilipinas ay matibay na tagapagtaguyod ng proteksyon ng karapatan at kapakanan ng mga migrante.
Sa gitna nito, kinikilala naman ng Pangulo ang kahalagahan ng inter-parliamentary cooperation pagdating sa “synergizing regional efforts towards tackling shared challenges.”
“Inter-parliamentary cooperation will synergize regional efforts towards tackling shared challenges such as climate change, transnational threats, and upholding a rules-based international order anchored in international law,” ang pahayag ng Pangulo sa kanyang interbensyon sa ASEAN Leaders’ Interface kasama ang mga kinatawan mula sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA).
“We thank the AIPA for continuing to support our vision for a rules-based, people-oriented, and people-centered ASEAN,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, ipinanukala naman ng Punong Ehekutibo na panatilihing bukas ang komunikasyon at epektibong kolaborasyon sa pagitan ng “executive at legislative bodies” para pagsamahin ang mga batas at regulasyon sa buong rehiyon.
“Through such a partnership, we can realize in the domestic arena agreed strategies for collaboration and identify laws which are needed to harness new opportunities for the region as well as address emerging regional challenges,” aniya pa rin.
“ASEAN member states share the same concerns regarding the increasing misuse of innovative technological applications to facilitate trafficking in persons, which, according to him, is “a multidimensional issue that needs concerted cooperation between the legislative and executive bodies in order to be resolved.” ayon sa Pangulo.
Samantala, ang AIPA ay nagsisilbi bilang sentro ng komunikasyon at impormasyon sa hanay ng member parliaments sa ASEAN.
Layon nito na “encourage understanding, cooperation, and close relations among member parliaments as well as observer member parliaments and other parliamentary organizations.” (Daris Jose)
-
Big-time oil price hike, asahan
ABISO para sa mga motorista. Asahan ang big-time oil price hike simula Enero 18. Madagdagan ng nasa P0.85 hanggang P1 ang halaga ng kada litro ng gasolina. Habang nasa P1.70 hanggang P1.80 naman ang magiging taas-preyo sa kada litro ng diesel. Nagkakahalaga naman sa P2.10 hanggang P2.20 […]
-
Mga tinamaan ng mild cases ng COVID 19, limang araw na mas mabilis maka- recover sa sakit dahil sa Virgin coconut oil
TINATAYANG aabot lamang ng limang araw ang mas mabilis na pag- recover mula sa corona virus ng isang indibidwal na tinamaan ng mild symptoms ng COVID 19 gamit ang virgin coconut oil. Ito ang ibinahagi ni DOST secretary Fortunato dela Pena kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte batay na din aniya sa ikinasa nilang pagsusuri […]
-
DA umaapelang madagdagan ng hanggang P10-B ang kanilang 2022 budget
Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na mapagbibigyan ang kanilang hiling na madagdan ng P8-10 billion ang kanilang P91-billion 2022 budget. Ayon kay DA Asec. Noel Reyes, nakakalungkot para sa Pilipinas na mas malaki pa ang pondong inilalaan ng mga kalapit na bansa tulad ng Thailand at Vietnam sa kanilang agrikultura. […]